25

SEPTEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Gutch Gutierrez & Written by Michellan Alagao

Sinabi ni Yahweh kay Moises, Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur na mula sa lipi ni Juda. Pinuspos ko siya ng aking Espiritu at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining.

Exodo 31:1-3

“Ang panganay ko, engineer. ‘Yung sunod na anak ko naman, manager!”

“Ang pamangkin ko, abogado yan!”

Maraming magulang at kamag-anak na Pinoy ang mahilig ipagmalaki ang kanilang mga anak o pamangkin kapag sila ay professional, tulad ng doktor, lawyer, o engineer, o hindi kaya isang manager, o supervisor sa isang company. Pero paano kung ang trabaho mo ay none of the above? Paano kung ikaw ay isang freelancer, o ang propesyon mo ay nasa larangan ng kultura at sining? Paano na kung ikaw ay isang artist, designer, editor, o writer? Madalas, hindi naiintindihan ng karamihan ang iyong trabaho at nakakalungkot o masakit sa puso mo na hindi nabibigyan ng halaga ang iyong career, especially ng iyong pamilya at mga kaibigan na matalik.

Huwag kang ma-discourage. God values you and your work dahil Siya ang nagbigay sa iyo ng kakaibang kakayahan! Naiintindihan ng Panginoon ang iyong career at natutuwa Siya kapag kinikilala mo na galing sa Kanya ang iyong kakayahan at sa biyaya Niya ay ibinibigay mo ang iyong best.

Alam mo ba na ang unang uri ng manggagawa na sinabi mismo ng Diyos na Kanyang pinuspos ng Kanyang Spirit ay isang artist? Eto ay nasa Exodo 31:1-3, “Sinabi ni Yahweh kay Moises, ‘Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur na mula sa lipi ni Juda. Pinuspos ko siya ng aking Espiritu at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining.’” Si Bezalel ang Chief Artisan na gumawa ng Ark of the Covenant. Hindi niya ito magagawa kung hindi siya binigyan ni Yahweh ng creativity at artistry. Sabi rin sa Exodo 35:35, “Sila’y binigyan niya ng pambihirang kakayahang gumawa ng gawain ng mga dalubhasang mag-uukit, taga-disenyo, pangkaraniwang manghahabi at ng manghahabi ng lanang asul, kulay ube at pula at ng pinong lino.” Wow! Napaka-creative at ganda siguro ng kanilang mga gawa!

Kaya kung ikaw ay nasa creative industry, o nasa larangan ng arts and culture, be encouraged! Ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng mga kakayahan para umunlad ka sa larangang iyan at mabigyan Siya ng kapurihan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat sa Inyong ipinagkaloob na mga kakayahan upang malinang namin ang sining. Salamat din po sa Holy Spirit, na gumagabay sa amin, lalo na sa mga artist. Tunay nga po na Kayo ang Creator at Source of Creativity!

APPLICATION

May kilala ka bang local Christian artist o writer na puwedeng suportahan? Puwede mong bilhin ang kanilang libro o produkto, o panoorin ang kanilang concert o performance. Isama mo rin ang pangalan ng 2 to 3 local Christian artists o writers sa iyong Prayer List.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 6 =