29
AUGUST 2022
Honoring the Silent Heroes
Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon; tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin, pati ang matatanda at kanilang sasaysayin.
Deuteronomio 32:7
“My dad is my hero!” Wagas ang paghanga ni Benjamin sa kanyang ama, isang tanyag na opisyal ng pamahalaan, nirerespeto ng marami.
Pero nagkasakit ang tatay niya at pumanaw nang maaga. Ten years old pa lamang si Ben noon; siya ang bunso sa pitong magkakapatid. Naging mahirap ang buhay para sa kanila. Lahat na ng klaseng pagtitipid ay ginawa ng biyudang ina, maitawid lamang ang pangangailangan ng malaking pamilya sa araw-araw.
After forty years, eto na si Ben, isang CPAer. Dalawa sa kanyang kapatid ay naging doktor, at lahat sila ay matatagumpay na professionals. Nagtulong-tulong ang magkakapatid sa pag-aalaga sa kanilang 98-year-old na ina.
Sino na kaya ngayon ang hero ni Benjamin?
Pag nabanggit ang salitang “hero” o “bayani,” naiisip natin agad sina Jose Rizal at Andres Bonifacio, or si Superman at Batman. For biblical heroes, we remember David who killed Goliath, and Samson and his supernatural strength. Pero do we think about those who supported these heroes? Like yung nagtaas sa mga nangangawit na braso ni Moses kaya nanalo sila against the Amalekites (Exodus 17:12–14)? Don’t they deserve our respect and admiration, too?
May kilala ka bang unsung heroes? Simulan natin sa ating mga elderly. Today, let’s honor them. Pasalamatan natin sila for investing in our lives.
LET’S PRAY
Panginoon, thank You for the lives of the people whom You have blessed us with. Patawarin po Ninyo kami kung napapabayaan o nai-ignore namin sila. Bigyan po Ninyo kami ng compassion and love for them. Remind us of what they did for us. May we appreciate their wisdom as we take time to listen to them. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Bilang application, let’s celebrate National Heroes Day by honoring our elders.
The Bible cites three simple ways to do this:
1. Listen to them
Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon; tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin, pati ang matatanda at kanilang sasaysayin. Deuteronomio 32:7
2. Speak gently to them
Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama … 1 Timoteo 5:1a
3. Respect them
Tatayo kayo kapag may kaharap na matanda. Igalang ninyo sila at matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh. Leviticus 19:32