17

AUGUST 2023

Be a Blessing Today

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Aliya L. Parayno

Kapag nakita ninyong nabuwal ang baka o asno ng inyong kapwa, tulungan ninyong ibangon iyon.

Deuteronomio 22:4

Sa tanyag na akda ni Francisco Balagtas na Florante at Laura, isang Muslim na nagngangalang Aladin ang tumulong kay Florante na isang Cristiano mula sa mga leon sa gubat. Samantala, nang tinangka namang saktan ni Konde Adolfo si Laura, iniligtas naman siya ni Flerida, ang kasintahan ni Aladin. Makikitang sa kabila ng pagkakaiba ng kani-kanilang relihiyon, hindi ito naging hadlang sa pagtulong at pakikipagkaibigan nila sa isa’t isa.  

Ilang beses na rin natin itong nasaksihan sa tunay na buhay. Individuals and groups of different faiths helping each other. Nations sending aid to poorer countries. Hearing stories of heroism and support warms our hearts. With the Philippines belonging to the Pacific Ring of Fire, our country is prone to earthquakes and volcanic eruptions. Hindi rin lingid sa ating kaalaman na ilang bagyo rin ang tumatama sa ating bansa kada taon. Kaya, we are in constant need of aid. And it is in situations like these that we witness people going out of their comfort zones to help those who are in need. 

However, being kind and generous with our help isn’t only called for during calamities. Sa ating pangaraw-araw na buhay, marami tayong maaaring tulungan. Baka may Florante sa buhay mo na nakagapos at nangangailangan ng tulong mo. Huwag mong hayaang maging hadlang ang inyong differences para maging blessing sa isa’t isa. Lagi nating ugaliing bukas ang ating mga palad, mata, at puso because God wants us to help people who are in need. Kaya nga ibinilin Niya sa mga Israelita, “Kapag nakita ninyong nabuwal ang baka o asno ng inyong kapwa, tulungan ninyong ibangon iyon” (Deuteronomio 22:4). This may be a very specific situation, but the essence of this command is for us not to turn a blind eye to those in need. Tulungan natin ang ating kapwa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Our Father, teach my heart to be more sensitive to the needs of others. Tulungan po Ninyo ako na maging mas bukas ang mga kamay upang maging blessing sa aking kapwa.

APPLICATION

Look around you. Is there someone who needs your help? Let the light of God shine in you by being a blessing to a neighbor today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 11 =