18

AUGUST 2023

Main Character Syndrome

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Aliya L. Parayno

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Mga Taga-Roma 12:10

How ironic. Sa mga pelikula at TV shows, we almost always root for the main character. Pero sa tunay na buhay, it’s not always the case. Whether it is us who have main character syndrome or someone we know, kailangan nating maging aware and realistic. Exhibiting signs that you have it is not always a bad thing. Though most of the time, a person who has main character syndrome is described as selfish and self-centered. Natatrato niya tuloy ang ibang tao as extra o support lang sa buhay niya, to the point na nababawasan ang pagbibigay-importansya niya sa iba. Someone with this syndrome also has the tendency to be overly conscious of what others think. And sadly, how he values himself is based on the compliments he gets.

There’s nothing wrong with loving oneself and knowing one’s worth. Pero hindi ito dapat umabot sa puntong sarili na lang natin ang iniisip natin, binabalewala na natin ang iba, o kaya’y nabubuhay na tayo sa isang make-believe reality. Bilang mga anak ng Diyos, ang ating worth ay dapat nakaangkla sa identity natin sa Kanya. Si God ang nararapat na source of pride natin, and not our own abilities, not even our looks. Sabi nga sa Mga Taga-Galacia 2:20, “Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.” Pinapaalalahanan din tayo ng Romans 12:10 na magmahalan tayo at pahalagahan natin ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa atin. Itrato natin ang lahat bilang main character ng kani-kanilang buhay, at huwag nating ituring ang sarili nating mas mataas sa iba. Instead, let us support one another.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, nang tanggapin ko Kayo ay Kayo na ang namumuhay sa akin kaya tulungan Ninyo akong huwag maging makasarili. Paalalahanan po Ninyo ako palagi na walang ibang nararapat itaas kundi Kayo, at dapat naming pahalagahan ang isa’t isa.

APPLICATION

Think of someone you know and make a list of his/her good qualities. Then, let this person know that you appreciate and admire him/her.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 4 =