1

NOVEMBER 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Joshene Bersales

Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?

Juan 14:2

“Beautiful. Beautiful.” Ito ang mga huling salita ni JP bago siya namatay, matapos ang isang taong pakikipaglaban sa stage 4 cancer. Bedridden for months, nanghihina niyang itinaas ang mga kamay sa langit. Nang tanungin ng asawa kung ano ang nakikita, ngumiti lang si JP at payapang sumagot, “It’s beautiful.” Ilang seconds pa’t dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay, huminga nang malalim, at ipinikit ang mga mata for the very last time.

Pakiramdam ng asawa ni JP, nakita nito si Jesus na wine-welcome siya with open arms. Sabi ng ibang nakarinig ng kuwento, baka raw nakakita ito ng mga anghel na sumusundo sa kanya. Pero wala naman talagang nakakaalam kung ano ang nakita ni JP ng mga huling sandaling iyon. Ang sigurado lang nilang lahat, napakaganda ng nakita nito.

Posible bang ma-experience natin ang na-experience ni JP sa dulo ng ating buhay? Kung may personal relationship tayo with Jesus, posible! Wala man tayong makitang sumasalubong na anghel sa atin, meron pa rin tayong assurance na sa langit tayo pupunta after we die.

But more important than that, makakasigurado tayo kung sino ang makakapiling natin for eternity — si Jesus! At kapag kapiling na natin Siya sa langit, babaguhin Niya ang ating mga weak na katawan — katawang may sakit, may peklat, may mantsang dala ng di magandang nakaraan — at gagawin silang tulad ng maluwalhati Niyang katawan (Mga Taga-Filipos 3:20–21). And hopefully, tulad ni JP, masasabi rin natin, “Beautiful. Beautiful.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, tulungan Ninyo akong huwag matakot sa kamatayan. Instead, help me look forward to the day na wala na akong mararamdamang sakit at kalungkutan, dahil kapiling na Kita sa langit.

APPLICATION

Sa iyong journal, i-drowing ang iyong idea of what heaven looks like. Kulayan din ito kung gusto mo. Then read Revelation 21 to compare Apostle John’s vision of heaven sa iyong drawing. Thank Jesus dahil sa promise Niyang maghahanda Siya ng ating matitirhan sa langit.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 1 =