9

FEBRUARY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Welcome back to our series “God Commands Us to Love One Another”.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

1 Pedro 3:9

Kahapon, narinig natin ang kuwento ni Ethel at ni Melda. Kahit na hindi maganda ang naging pagtrato ng asawa ni Melda sa kanya, hindi siya naghiganti; sa halip ay nagtiwala siya sa Diyos. Kaya naman, hindi pinabayaan ng Diyos si Melda. Umasenso siya sa buhay samantalang bumagsak naman ang kalusugan at pinagkakakitaan ng kanyang asawang nagtaksil sa kanya. Iniwan na rin ito ng babaeng kinakasama. Parang ang sarap sabihin na, “Beh, buti nga sa iyo, belat!”

Pero alam n’yo ba, sabi sa Kawikaan 24:17,Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan”? Hala! Mali pala ang matuwa sa pagbagsak ng iyong kaaway. Eh bakit kaya? Ang sagot ay nasa 1 Peter 3:9:

“Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.”

Pinili tayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos. When we obey Him — like when we do not take revenge — He blesses us and in return, He wants us to bless others. So imbes na mangutya at matuwa, kindness ang isukli natin sa taong nanakit sa atin. Sa ganitong paraan, naipapakita natin sa mga tao ang pagmamahal ng Panginoon. ‘Di ba’t tayo rin ay lumapit kay Jesus dahil sa naunawaan at naramdaman natin ang Kanyang pagmamahal at kapatawaran? Iyan ang ultimate na layuninang ipakita rin sa kanila ang kabutihan ng Diyos at nang madala natin sila sa Kanya.

We are able to fulfill God’s command for us to love one another when we think of ways on how to bless others. Learn more about this tomorrow. See you!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Mahal naming Panginoong Jesus, sinabi Ninyo na huwag kaming magpadaig sa masama, kundi daigin namin ng mabuti ang masama. Ang hirap dahil kapag nasaktan at naisahan, natural na maghiganti at matuwa sa pagbagsak ng kalaban. Pero dahil hindi Ninyo ito ikatutuwa, I ask for Your grace to conquer evil with good. Amen.

APPLICATION

Mag-isip ng paraan kung paano papalitan ng kabutihan ang isang taong mahirap mahalin. Tulad ng ginawa ni Nora na laging namimigay ng lunch sa ka-opisinang palagi siyang pinapahiya sa boss, hanggang sa maging mag-bestie na sila. Kung nais mong i-share ang iyong kuwento o gusto mong may makausap, kontakin ang aming Prayer Center para maka-chat nang live ang aming prayer counselor.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 6 =