22

DECEMBER 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Prexy Calvario

May kumukuti-kutitap bang parol sa inyong tahanan? Ang parol, na originally ay hugis- bituin, ang isa sa mga nakikita nating dekorasyon tuwing Pasko. May kinalaman din sa bituin ang ating devotion ngayon.

“Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap. Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin, lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin.”

Mga Bilang 24:17

Noong November 2013 ay tinamaan ng bagyong Yolanda ang Tacloban. Pero sa kabila ng pagkasira ng maraming tahanan, meron pa ring mga bahay na nakapagsabit ng parol. Ang parol ay simbolo ng pananampalataya ng mga Pilipino na isinilang ang Mesiyas at ang bituin ang naging gabay ng mga Mago para matagpuan Siya. Interestingly, ang paglitaw ng bituin representing the Messiah was prophesied years before He was born!

Here is how it goes. On the way to the Promised Land, ang pangalawang henerasyon ng Israelites sa pamumuno ni Joshua ay nakaranas ng oposisyon. Ngunit dahil kasama nila ang Diyos, hindi nakapagtatakang takot ang Haring Balac ng Moab sa kanila. Kaya inutusan ng hari ang propetang si Balaam na sumpain ang mga Israelita para matalo sa digmaan (Mga Bilang 22:1–8).

Subalit nang kumunsulta si Balaam sa Panginoon, sinabihan siya na layuan si Haring Balac at huwag sumpain ang mga Israelita dahil pinagpala na Niya sila. Ngunit sumuway si Balaam sa Diyos at nagpatuloy. Pero sa halip na sumpa ay pagpapala ang lumalabas sa kanyang bibig patungkol sa Israel. At isa sa blessing na ito ay ang pagdating ng isang bituin mula sa lahi ni Jacob o Israel, at siya ang magiging hari na susupil sa mga Moabita sa takdang panahon (Mga Bilang 24:17).

Dalawang bagay ang matututunan natin dito tungkol sa Diyos. Una, God protects and blesses His people. Kahit ilang beses pang sinubukang sumpain ni Balaam ang Israelites, hindi sumpa ang lumabas sa bibig ni Balaam kundi declaration ng blessing para sa Israel. Pangalawa, God fulfills His promise. Ginamit ng Diyos si Balaam para ipahayag ang pagdating ng Mesiyas na inilarawan niya na isang bituin mula sa Israel. Tinupad ng Diyos ang pangako Niyang magpapadala Siya ng Tagapagligtas mula sa lipi ni Israel nang ipanganak sa mundo si Jesus. Siya ang Ilaw ng Sanlibutan, ang Maningning na Bituin sa Umaga (Juan 8:12; Pahayag 22:16).

Ngayong Pasko, pagbulay-bulayan natin ang mga pagpapala ng Diyos sa atin, at ang pinakadakilang pagpapala Niya ay ang Anak Niyang si Jesus na isinilang para maging ating Tagapagligtas.

Nawa ay maging maliwanag at puno ng pag-asa ang panahong ito para sa inyo. Join us again tomorrow para sa isa na namang mensahe mula sa Salita ng Diyos patungkol sa ating series na “Christmas: It’s About Jesus.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, pinupuri ko Kayo dahil tapat Kayo sa Inyong pangako na kahit anuman ang mangyari, ito ay Inyong tutuparin. Salamat sa pagbibigay Ninyo sa amin ng Inyong Anak na si Jesus na aming liwanag sa buhay, Tagapagligtas, at Hari magpakailanman.

APPLICATION

Habang pinagmamasdan mo ang mga kumukutitap na parol, alalahanin mo ang mga pangako ng Panginoon na hinihintay mong matupad. Magtiwala ka sa Diyos na tapat na tumutupad sa Kanyang salita.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 5 =