12
JANUARY 2022
Bulaklak ng Kalabasa
Ganito ang sagot sa kanya: “Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko.” Pagkasabi nito’y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.
Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang mukha at naghintay sa bunganga ng kuweba. Narinig niya ang isang tinig na nagsabi, “Elias, anong ginagawa mo rito?”
1 Mga Hari 19:11–13
Pumitas si Santi ng bulaklak ng kalabasa at ibinigay sa kanyang nanay. Tuwang-tuwa naman ang ina sa munting regalo ng kanyang five-year-old. Naging tradisyon na ito ng dalawa. May unspoken meaning ito sa kanila, na hindi maintindihan ng iba. Bakit nga naman bulaklak ng kalabasa? Nagtapos na ng abogasya si Santi at naging matagumpay na lawyer. Binigyan niya ang nanay ng isang dosenang mamahaling long-stemmed roses pero hinanap-hanap pa rin ni inang ang bulalak ng kalabasa. Nakaka-aliw ang kanilang relationship, ano?
There are bonds that nobody outside of the circle of love will understand. Nakaka-comfort to know that we, as believers of Jesus, have that special relationship with God too. Alam Niya what will speak to us the loudest. What is the unique way He speaks to you? In seeing a rainbow or hearing a particular song on the radio? Ang makakita ng ibon sa langit o isang bilyong constellation sa gitna ng madilim na gabi? O ang tahimik na pagputok ng bula ng sabon? It might not make sense to others pero kayo ni God ay nagkakaintindihan.
Ang Bible ay puno ng “special codes” for us. In today’s featured passage, matatagpuan natin ang isang depressed at takot na Elias na nagtatago sa kuweba. Alam ng Panginoon ang love language ni Elias. Hindi lindol, bagyo, o kidlat ang nagpalabas ng kuweba sa Kanyang anak. Ang Kanyang banayad na tinig lamang.
Take the time to listen to God today. He surely has something to tell you.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat na alam Ninyo kung paano makukuha ang aking atensyon. Pasensya na po kung minsan ay sobrang puno ang schedule ko na wala na akong panahon na mapansin ang Inyong pagtawag. You are relentless in pursuing me. Ipaalala po Ninyo sa akin na madalas ay wala nga pala sa lindol o bagyo o kidlat ng aking busy life ang Inyong presensya. Sana’y magkaroon ng katahimikan sa aking isip nang marinig ko ang Inyong bulong, sa araw-araw. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Huminga ng malalim. Inhale and exhale. Do this for a minute. Empty your troubled heart and silently repeat, “God loves me. God understands me.”