11
JANUARY 2022
The Driver and the GPS
susunod na lahi’y isaysay, na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon Siya ang patnubay.
Awit 48:13–14
Sa tuwing meron kang pupuntahan, kampante ka sa kung sinuman ang ipadala sa iyo ng Grab after mo mag-book sa app nila. Kahit na picture pa lang ng driver ang nakita mo mula sa confirmation, nandun ang tiwala mo at sumasakay ka sa sasakyan niya. Ibibigay mo sa kanya ang address, and through the GPS, kampante ang loob mo na makakarating ka sa destinasyon mo.
Ganitong klaseng tiwala ang ine-expect sa atin ni God sa biyahe ng ating buhay. Ang Bible ang nagsisilbing GPS natin. Kahit anong aspeto sa buhay, kapag sinearch natin dito, makikita natin ang sagot, at ili-lead tayo nito sa tamang direksyon.
Ang Holy Spirit naman ang best driver na ibinigay Niya para sa atin. Kapag naharap tayo sa temptation, naroroon iyong impression na, “Parang mali itong gagawin ko.” Struggling is actually a good sign na we are sensitive to the leading of the Holy Spirit. Dahil nature natin bilang mga tao ang magkasala, nagsu-struggle talaga tayo when we are facing temptations. Kapag nangyayari ito, nararamdaman natin na iniiwas tayo ng Holy Spirit mula sa pagkakasala. Ganito rin ang kaso with other decisions we need to make. We don’t feel at peace kapag naliligaw tayo. We can rest assured that we’ll be reaching our destination when we let the Holy Spirit be on the driver’s seat of our hearts.
LET’S PRAY
Lord, I’m sorry sa mga times that I took the lead of my life at hindi ako nakinig sa conviction ng Holy Spirit. Help me to be sensitive sa guidance Niya. May I learn to trust You more every day. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Do you need guidance today? Be sensitive to where the Holy Spirit is leading you and read the Bible to clearly hear from Him. Memorize the verse for the day and be reminded that He is with you every step of the way.