11

AUGUST 2023

D.I.Y. Master Ka Ba?

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Walang taong walang problema, pero paano nga ba natin ito masosolusyunan? Alamin sa pagsisimula ng ating bagong series na “Pagharap sa Problema.”

Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito’y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.

Isaias 43:19

Mahilig ka bang mag-D.I.Y.? Kapag may sirang gamit kayo sa bahay, kaysa tumawag ng karpintero, tubero o repair man, mas gusto mo bang i-“do it yourself” ang pag-aayos nito? Gusto mo kasi sigurong makatipid, o kaya nakakaramdam ka ng satisfaction in learning and applying a new skill.

Pero ang pagdi-D.I.Y. ay hindi laging madali. A repair job that will take a professional just 30 minutes to do can stretch into half a day, or even more, kung hindi mo talaga gamay ang dapat gawin. When this happens, posibleng mauwi ka rin sa pagtawag sa karpintero, tubero, o repair man, at mas malaki pa ang sisingilin nito sa iyo dahil lumaki na ang sira ng gamit mo.

Pagdating sa pagharap sa personal problems, D.I.Y. din ba ang diskarte mo? ‘Yun bang mas gusto mong subukan munang gawan ng paraan ang sitwasyon mo bago ka humingi ng tulong kahit kanino… even from the Lord? Puwedeng dahil ito sa pride ― pakiramdam mo, indicator of weakness ang paghingi ng tulong. Puwede ring dahil ito sa guilt ― alam mo kasing you made a wrong decision o kaya it’s your own sinful behavior that got you into this difficult situation. Kaya tingin mo, tama lang na hanapan mo ito ng solusyon nang mag-isa. Pero habang tumatagal at hindi mo naaayos ang problema, lumalaki ito. Nagiging mas malalim at nagiging mas magulo. Aabot ka sa puntong you feel lost, exhausted, and confused.

Hindi mo kailangang kayanin ang problema nang mag-isa. We can turn to our Heavenly Father who is full of compassion and comforts us in our troubles (2 Corinthians 1:3–4). Kung nakaya Niyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat at gumawa ng ilog sa gitna ng disyerto (Isaias 43:16,19), kayang-kaya ka Niyang tulungan para maayos ang problema mo.

Samahan ninyo kami uli bukas para malaman natin kung kanino tayo dapat lumapit para ma-solve ang ating problema. Kita-kits!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, hindi ko alam kung bakit hindi ako agad-agad lumalapit sa Inyo kapag kailangan ko ng tulong. Help me to trust You as my Heavenly Father na naririyan lagi para makinig at umagapay sa akin.

APPLICATION

Humbly ask the Lord for His help for the problem that you are facing. Believe na pakikinggan Niya ang iyong dalangin.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 7 =