12
AUGUST 2023
Let Me Talk to the Manager
Welcome sa ating series na “Pagharap sa Problema.” Kahapon, nalaman natin na hindi kailangang i-D.I.Y ang paglutas sa problema; lapit na agad kay God. Lapit na agad sa Manager!
Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.
Kawikaan 18:10
Have you ever complained about something and demanded to speak to the manager? Have you felt shortchanged about a product or service and believed you need to bring it up to someone of higher rank than the staff you were speaking to? Bakit nga ba natin ginagawa ito? Marahil, dahil sa tingin natin mas may authority si manager na masolusyunan ang inirereklamo natin. O di kaya, gusto nating mapadali ang pag-address ng concern natin kung manager na ang kausap natin.
I have nothing against speaking to the manager or even about complaining whenever you believe you’re in the right. This devotional is not even about filing complaints. In Proverbs 18:10, it says, “the name of the Lord is a strong tower. The righteous run to it and are safe.” Sinasabi ng verse na ito that the Lord is strong kaya dapat natin Siyang kapitan. We also know that God is sovereign; He listens, protects, provides, He paves the way, and He fights our battles. Kung ang manager ang authority sa restaurants, boutiques, and companies, si Lord ang authority sa ating mga buhay. Is there something in your life you want to change and improve on? Is there a problem you want to be resolved? Bring it up to God. Tingin mo ba nalugi ka o na-overlook ang karapatan mo? Lift it up to the Lord. Siya ang ultimate manager na magtuturo sa atin ng solusyon sa ating concern. He is the One capable of speeding up a resolution to your grumbling. He has the final say.
Tiyak na mababawasan ang complaints natin sa buhay kung mare-realize natin how Jesus is so concerned about us. Abangan iyan bukas sa pagpapatuloy ng ating series, “Pagharap sa Problema.”
LET’S PRAY
Panginoon, Kayo ang aking matibay na tanggulan. Nais kong Kayo ang maging authority sa lahat ng aspeto ng aking buhay.
APPLICATION
Matatawag mo ba ang sarili mong reklamador? Mahirap ka bang makuntento sa buhay? Remind yourself of God’s divine workings in your life. Baka sakaling mabawasan ang complaints mo.