9
JANUARY 2022
Daanin sa Dasal
palagi kayong manalangin
Mga Taga-Tesalonica 5:17
Mula pagkabata ay tinuruan na tayong magdasal sa Panginoon. Bago mag-umpisa ang klase, may magli-lead ng prayer. Bago matulog at pagkagising, pinapaalala sa atin ang magdasal. Parte ng buhay natin ang magdasal, ngunit kadalasan, iniisip natin na ang pagdarasal ay para lang sa mga religious at malalapit sa Diyos. Pero ang totoo, lahat tayo’y ine-encourage ng Salita ng Diyos na tumawag at makipag-usap sa Panginoon.
Narito ang ilan lang sa maraming verses that talk about prayer:
- 1 Mga Cronica 16:11: “Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya’y hingin, sa tuwina’y parangalan siya at sambahin.”
- Job 22:27: “Papakinggan niya ang iyong panalangin, kaya’t ang mga panata mo ay iyong tuparin.”
- Santiago 5:13: “Nahihirapan ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos.”
Sa Bible, may 650 na panalangin at may halos 450 recorded answered prayers tayong mababasa. This proves that God interacts with us through our prayers, at tulad nating mga tao kapag nakikipag-usap sa iba, Siya’y sumasagot at nagsasalita. Noong nasa lupa si Jesus ay tinuruan Niya ang disciples na magpray ng “Ama Namin.” Ginawa Niya itong modelo para matuto tayong makipag-usap sa Diyos.
Ang dasal ay makapangyarihang paraan upang maipaabot ang ating papuri at paghingi ng tulong sa Kanya. Ito rin ang isa sa Kanyang paraan para mangusap sa atin. Nasa puso Niya ang makinig at tumupad ng prayers that are according to His will. At ready Siyang magbukas ng pintuan para sa mga humihingi at lumalapit sa Kanya.
How about you? When was the last time you prayed, really prayed? Subukang buksan ang iyong puso. Makipag-usap sa Kanya. Listen carefully to what He wants to say to you. Malalaman mong desire ng puso Niya ang kabutihan para sa iyo.
Daanin mo sa dasal.
LET’S PRAY
Lord Jesus, kapag ang puso ko’y puno ng maraming bagay, tulungan Mo akong marinig ang boses Mo. I want to know Your will. Gabayan Mo po ako sa aking buhay. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Huminga ng malalim, magdasal sa Panginoon, and tell Him what’s in your heart. Basahin ang John 14 at isapuso ito.