10

JANUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Alma S. de Guzman

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili.

Mga Taga-Efeso 2:8

Naranasan mo na bang malagay sa alanganin o na-trap ka na ba sa isang sitwasyon at no choice ka kundi ang maghintay ng tulong?

Iyan ang naranasan ng magkakaibigang Marie nang sila’y nagtravel sa Malaysia.

Dumating sila ng 4 am sa Malaysia for their day tour. But because it was too early and they have no hotel accommodation, they had to pass the time somewhere. Naghanap sila ng lugar na mahihintuan hanggang mag-umaga.

Sa gitna ng kanilang pag-aalala, lalo na’t winarningan sila ng isang local na mag-ingat sa mga magnanakaw, isang security guard ang nagmagandang loob na tulungan silang magkakaibigan. Pinayagan silang gumamit ng restroom, pinag-stay sila sa restaurant kahit hindi pa ito bukas, binigyan sila ng tubig, peanuts, and candies. Pumara rin ito ng taxi para sa kanila at inabutan pa sila ng pamasahe! Pero pinili pa rin nilang maghintay hanggang 6 am.

Sobrang na-appreciate nina Marie ang kabutihan ng security guard. They tried to give him a little amount bilang pa-thank you, pero tinanggihan niya ito.

At that moment, the Lord reminded Marie that they experienced grace in this circumstance. Yes, it was a faint reminder of God’s grace, which is us receiving goodness that we can never repay. When Jesus died on the cross for our sins, it was a demonstration of His love and amazing grace for us.

Real talk lang, we don’t deserve any of God’s favor and kindness. Lahat tayo’y nagkasala sa mata ng Diyos, pero tayo’y naligtas all because of His grace alone. By His grace we can receive grace, live with grace, and love with grace.

Ang kagandandang-loob ng Diyos ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit anong halaga. Mamuhay tayo nang may pagpapasalamat sa kagandahang loob Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for Your grace. I am alive today because of You. Help me to always recognize Your grace in my life and allow me to be a vessel of grace to people. In Jesus name, Amen.

APPLICATION

Send a message to three of the most gracious people you know, pray for them, and thank them for their heart to live according to God’s grace.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 2 =