20

SEPTEMBER 2024

Dapat ba Akong Magbayad ng Tax?

by | 202409, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Prexy Calvario

Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.

Mga Taga-Roma 13:7

Kilala ba ninyo sina Judith at Juna? Katuwaang personification ang mga ito ng “Due date” at “Due na” ang mga bayarin. At tuwing araw ng suweldo, mayroon pang kung puwede lang iwasan ay iiwasan. Alam ninyo kung sino? Si Buwi. Short for buwis or tax. But kidding aside, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at sakto o halos hindi sapat na kita, marami sa atin ang umaaray at dumadaing sa mga bayaring ito. Alam ba ninyo na kahit ang mga unang Cristano ay may ganito ring suliranin?

Sa panahon ni Jesus, nasasakupan ng Roman Empire ang Israel kaya ang mga Jew ay nagbabayad ng buwis sa kanila. Pero nang tanungin si Jesus kung dapat ba silang magbayad ng tax kay Cesar, sumagot si Jesus, “Ibigay kay Cesar ang para kay Cesar” (Mateo 22:1521). Gayundin naman ang reminder ni Apostle Paul sa mga Christian sa Rome na magsubmit sa gobyerno nila at “magbayad sa mga dapat bayaran; magbigay ng buwis sa dapat buwisan at igalang ang dapat igalang” (Mga Taga-Roma 13:17) Ang paalalang ito ay sa gitna ng pamumuno ni Emperor Nero, isa sa pinakamasamang pinuno sa history ng Roman Empire!

Regardless kung ang pinuno natin ay mabuti o hindi, God calls us to submit to them (Romans 13:1). The only time that we won’t is if they ask us to dishonor God and His Word. Maybe you are thinking of not paying your income tax dahil sa isip mo nagbabayad ka naman na ng tax sa binili at kinakain mo. Or you’re thinking of reducing your tax illegally. Tungkulin ng isang good citizen ang magbayad ng buwis. After all, Christ’s followers are ultimately citizens of heaven (Philippians 3:20) at lahat ng mayroon tayo ay galing at pag-aari ng Diyos. Tayo lamang ang Kanyang tagapamahala.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Ninyo akong sumunod sa Salita Ninyo patungkol sa pagbabayad ng tamang buwis. At nawa’y sa tulong ng Holy Spirit ay matutunan kong magtiwala na You will provide for all our needs. In Jesus’ name I pray. Amen.

APPLICATION

Hingin mo kay Jesus na palakasin Niya ang pananampalataya at loob mo para magawa mo ang tama.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 10 =