12

JULY 2022

Dealing with Pain

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Timmy B. Yee & Written by Beng Alba-Jones

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Mga Taga-Roma 8:37–39

Napakahirap isipin na ang panahon ng pandemic na siguro ang pinakamasakit na chapter ng ating mga buhay. Walang dumaan na araw, linggo, o buwan na hindi tayo nagpapa-abot ng pakikiramay sa isang kakilala, kaibigan, o di kaya ay kamag-anak. O maaaring tayo mismo, namatayan. Nadisrupt ang lahat dahil na rin sa pagkawala ng mga trabaho at pinagkakakitaan.

Paano ba natin malalagpasan ang mga naranasang sakit? Dumating kaya ang panahon na magigising na tayo mula sa bangungot na ito?

The Apostle Paul, in his letter to the Romans, gave an important reminder. During that time, the Christians were experiencing persecution. Ang katumbas ng paniniwala sa Panginoong Jesus ay ang pagkakakulong o di kaya ay kamatayan. Ngunit sa gitna ng nararanasang hirap, ipinaalala ni Apostle Paul sa kanila na merong Diyos sa langit na mas makapangyarihan kaysa sa lahat. Na ang nararanasang sakit, pati na rin ang kamatayan, ay may hangganan. Dahil ang pagmamahal ng Diyos sa Kanyang mga anak ay hindi mapipigil ng kahit anong hirap, sakit, trahedya, o kamatayan.

Minsan pakiramdam natin napakalayo ng Diyos sa atin. You might even say, “Hindi Niya naranasan ang pain and suffering na napagdaanan ko.” Pero ang totoo, sa laki ng pagmamahal Niya sa iyo ay isinuko Niya ang pagiging Diyos at nagkatawang-tao. Siya mismo ay naka-experience ng hardships. He can give up His life to pay for the penalty of our sins. Ganito Niya tayo kamahal.

Whatever pain you are going through right now, give it to Jesus. Nothing can ever separate you from His love.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, hindi ko na kaya ang mga nararanasan kong problema. Isinusuko ko sa Iyo ang lahat ng ito. Tulungan Mo po ako. Ikaw na po ang manguna sa aking buhay. Amen.

APPLICATION

Wag mong sarilinin ang iyong mga problema. Isuko mo ang mga sakit at problema sa kay Jesus, na naghihintay sa iyo. He is ready to take care of you and give you the healing that you need.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 4 =