3
JANUARY 2022
Doing Self-Help or Asking God’s Help?
Do’n sa mga burol, ako’y napatingin — sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
Awit 121:1-2
Marami na ang self-help articles na naisulat para malaman mo kung may obsessive-compulsive disorder ka. May mga natural remedies din na mababasa online kung paano mo ito magagamot. Ang ilan sa symptoms ng sakit na ito ay fear of contamination or dirt, pagdududa o madalas na pag-aalala sa uncertainty ng buhay, o kaya naman ay gusto mo laging orderly at pantay ang pagkaka-ayos ng maraming bagay. Kung titingnan, halos lahat iyan ay posibleng mangyari o nangyayari sa iyo pero hindi ibig sabihin na may sakit ka na. You still need to seek professional help if you want to know for sure.
There is nothing wrong in helping ourselves pero kung ang aasahan natin ay ang sariling kakayahan at talino natin to resolve things all the time, maaari nating ma-misdiagnose ang ating sitwasyon. There is someone who can help us resolve impossible situations. He is the God who created heaven and earth. Sa Kanya, ang lahat ng bagay ay may solusyon at makakaasa tayong hindi mali ang ibibigay Niyang paraan para malutas ang ating mga problema.
God can help us. Alam Niya ang solusyon sa ating mga suliranin. Walang imposible sa Kanya! The Apostle Paul knew this kaya naman humingi siya ng saklolo sa Diyos noong nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Sabi niya, “Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay” (2 Mga Taga-Corinto 1:9). To become a better you, don’t just trust yourself. God’s help is always better than self-help.
LET’S PRAY
Dear Jesus, I know that You will help me in times of trouble. Sa tuwing aasa ako sa aking sarili to resolve things, remind me na Ikaw ang Diyos na nakakagawa ng imposibleng mga bagay. Sa Iyo ako aasa because I know that You care about me. Thank You, Lord.
APPLICATION
May problema ka bang hindi masolusyunan? Is there something na you’re trying to resolve on your own at nahihirapan ka na? Ask for God’s help and seek His wisdom.