4

JANUARY 2022

Pag-asa sa Kawalan ng Pag-asa

by | 202201, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Rebecca M. Cabral

Kahit wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Sindami ng mga bituin ang iyong magiging lahi.” Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa’y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog. Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang tumibay sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos.

Mga Taga-Roma 4:18-20

Nawalan ka ng trabaho at isang taon ka nang naghahanap ng kapalit. Nagkabaon-baon ka na sa utang, at hindi mo alam kung paano ka makakabayad sa mga kabi-kabilang naniningil sa iyo. O bumagsak ka sa kamay ng isang illegal recruiter. Sa halip na magandang buhay, miserableng sitwasyon ang inabutan mo sa ibang bansa. O kaya, meron kang sakit na hindi gumagaling sa kabila ng pag-inom mo ng mga gamot. Halos maparalisa na ang iyong buong katawan, at naisip mo, wala nang silbi ang iyong buhay.

Anumang trahedya o matinding pagsubok ang pinagdaraanan natin sa buhay, may pag-asa sa Panginoong Jesus. Binigyang diin ito ni Apostle Peter sa 1 Pedro 5:10, “Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na Siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang Siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.”

Hope against hope. Kung nasa sitwasyon tayo na parang wala nang pag-asa, manalig tayo na ang Diyos ay may magandang plano sa ating buhay. Ang sabi Niya, “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa” (Jeremias 29:11). Sa gitna ng ating pakikibaka sa buhay at tila walang katapusang pagsubok, panghawakan natin ang pangakong ito ng Diyos. Trust that God can work a miracle in a seemingly hopeless situation.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Aking Ama sa langit, narito ako na dumudulog sa Inyo nang may pagpapakumbaba at pagsisisi sa mga panahong nawalan ako ng pag-asa. Maraming salamat sa Inyong Salita na punong-puno ng pangakong nagbibigay pag-asa para sa isang magandang bukas. Simula ngayon, itutuon ko ang aking paningin sa Inyo at maghihintay sa nakalaan Ninyong magandang plano para sa akin.

APPLICATION

Panghawakan mo ang katotohanan na ito: Through your pain and hard times, God is working out His will and purpose for your life.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 8 =