10

SEPTEMBER 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi P. Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!” At sinabi niya sa alagad, “Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

Juan 19:26-27

Nabalitaan ba ninyo ang kwento tungkol sa matalik na magkaibigan na sina Nora, isang four-year-old, at si Dan, an eighty-year-old man? Ika-apat na birthday ni Nora noon at nakita niya si Dan na nag-iisa sa grocery. Nilapitan niya at sinabi ditong, “Birthday ko ngayon! Pwede po magpa-picture?” Yun ang naging umpisa ng kanilang friendship. Every week, binibisita na ni Nora si Dan para siguraduhin na hindi siya nalalamigan at lagi siyang may supply ng paborito niyang keso. Pinawi ni Nora ang kalungkutan ni Dan who lost his wife months before. Laking tuwa nga ni Dan nang si Nora ang kanyang bisita para sa kanyang 82nd birthday! Kahit seventy-six years ang agwat ng edad nila, hindi maikakaila na tinadhana ang kanilang special friendship.

Natatangi at kakaiba ang mga pangangailan ng mga elderly at kahit bata pa siya, napansin ito ni Nora. Tayo kaya, napapansin din ba natin na nangangailangan ng atensyon at kalinga ang mga nakatatanda? Karaniwan sa churches, may kids’ ministry o ‘yung madalas tawaging Sunday School. Meron ding ministry para sa youth, singles, at couples pero madalang ang may elderly ministry. May mga empty nesters na at ang mga anak ay maaaring abala sa pagbuo ng sarili nilang pamilya kaya hindi na makabisita nang madalas sa parents nila. May widows and widowers na at laging nag-iisa. May mga may sakit at nangangailangan ng paggamot, panalangin, at assistance. May nababalot ng insecurity dahil sa bilis ng pagbabago ng takbo ng buhay. Hindi na rin kasi sila kasing bilis matuto. They need our love and patience.

Kalooban ng ating Panginoon na pangalagaan at bigyang kalinga natin ang mga nakatatanda. Dahil may edad na rin ang Kanyang ina, ipinagbilin siya ng Panginoon sa Kanyang alagad. Ikaw, sino ang binibilin sa iyo ng Panginoon? Baka ikaw na ang “Nora” na matagal nang hinihintay na magdadala ng sunshine sa kanila!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, forgive me for neglecting the elderly that need my love. Buksan Mo po ang aking mga mata at aking puso at ituro Mo sa akin ang taong gusto Mong mahalin through me. In Jesus‘ name, Amen.

APPLICATION

Baka kailangan ni manong o manang ng kasama, kakwentuhan, o praktikal na tulong. Why not offer to clean their yard, get their groceries, buy them cellphone load, or teach them how to use their gadget? Why not get their favorite dessert and download their favorite movie? In your own little way, you can start your own elderly ministry.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 10 =