31

JANUARY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Precious Marian Calvario

Bahagi ng buhay ang pagsubok. How can we be victorious in times of trials? Alamin natin sa last part ng series natin for today na “Victory over Trials and Temptations”.

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang.

Santiago 1:2-4

Tubig, wastong pagkain, at exercise. Ito ang tatlong mahahalagang bagay na nagpapalakas at nagpapalusog ng ating katawan. Mayroon ding nagpapalakas sa ating faith. Ito ay panalangin, pag-aaral ng Bible, at pagsunod sa Salita ng Diyos. Tuwing nananalangin tayo, tuwing nagpupuri tayo, nagpapasalamat, nangungumpisal, humihiling, at dumadaing gaya ng sabi sa Mateo 6:9-13, nare-refresh ang ating kaluluwa. Sa pagbabasa at pag-aaral natin ng Bible, nakakakuha tayo ng spiritual nutrients (Matthew 4:4), at sa pagsunod sa Salita ng Diyos nagiging Christ-like tayo (1 Timothy 4:6-8). Pero bakit ba kailangan nating magpalakas at magpakatatag?

It’s because in life, marami tayong pagsubok na mararanasan. Through these trials, mas makikilala natin ang Panginoon. Mapapatunayan din natin ang Kanyang mga pangako. And through these trials, our faith will be strengthened. Kaya naman paalala sa atin ni Santiago, “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang.” Sa gitna ng pagsubok na ito, we can trust His promise that He will be with us (Hebrews 13:5). Si Jesus na nagbigay sa atin ng pananampalataya ang Siya ring magpapatibay nito.

By the grace of God, through the empowerment of the Holy Spirit, and because of the victory on the cross of our Lord Jesus, we can certainly experience victory in times of trials and temptations. Bukas, samahan n’yo kami sa isa na namang panibagong serye na tiyak na ikatutuwa n’yo. Abangan bukas ang series natin na “God Loves You”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You that in spite of the trials, I can rejoice. Thank You for reminding me na makakatulong ito para maging strong ang aking faith. Alam ko na sa gitna nito ay kasama ko Kayo at hindi Ninyo ako iniiwan. Please continue to strengthen me so I can overcome this trial. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Isama sa iyong Prayer List ang trial o problem na pinagdadaanan mo at ipag-pray ito. Ask God for guidance and wisdom kung paano mo ito malalagpasan. Praise God for the opportunity to strengthen your faith.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 4 =