23
OCTOBER 2023
Fit Check
Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
1 Pedro 3:3–4
Are you familiar with the phrase, “fit check?” According to stayhipp.com/glossary, “Fit check” usually is a way of saying “check out my outfit.” It’s commonly used on social media paired with a photo of one‘s outfit and may be used as a hashtag.” Madalas natin itong makita as a caption or as a hashtag ng celebrities and even teenagers na nagpo-post ng kanilang attire sa kanilang social media accounts. Even fur parents sometimes use this as a hashtag when they share photos of their fur babies wearing adorable clothes.
There‘s nothing wrong with dressing up. In fact, to a lot of people, ang pagde-dress up ay nakakatulong sa kanilang mental well-being, nakaka-boost ng kanilang confidence, at nagiging healthy outlet for artistic expression. And of course, we all know that clothes are a necessity.
Pero dapat ba natin itong gawing focus ng pag-aalaga natin sa sarili at pakikisalamuha sa ibang tao? We can get a clue from 1 Peter 3:3-4. Ang bilin ni Apostle Peter sa mga kababaihan, they must not give more importance to their outer appearance to the point na nakakalimutan nilang pagandahin ang kanilang kalooban. Likewise, we must not also judge others based on what they‘re wearing. Walang saysay ang magaganda‘t mamahaling damit kung ang puso naman natin ay puno ng inggit at galit. Aanhin mo ang usong kasuotan kung sinisiraan mo naman ang iyong kapwa, nagpapakalat ka ng mga maling balita, at ang iniisip mo lagi ay hindi kaaya-aya sa Panginoon?
LET’S PRAY
Heavenly Father, tulungan po Ninyo akong huwag masilaw sa appeal ng material things at outer appearance. Palagi po Ninyo akong paalalahanan na mas mahalaga ang nilalaman ng puso at panloob na kagandahan.
APPLICATION
Saan mo ginugugol ang iyong pera at oras ― sa pamimili ng iyong isusuot o sa pagpapalago ng iyong buhay kay Cristo? Gumawa ng mga hakbang para mas mapaganda ang iyong pagkatao.
SHARE THIS QUOTE
