26

AUGUST 2023

Flex Your Routine

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landaas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

Awit 119:105

We all have a daily routine. Kapag tinanong ka about your daily routine, ano ang ifi-“flex” o ibibida mo? Ito ba ay ang iyong 10-step Korean skin care routine? O baka naman may bago kang exercise routine na may stretching, cardio, and strength training? Ideally, may mga naka-built in sa daily routine mo that can help maintain your physical, mental, and emotional health. Pero ang pag-aalaga sa spiritual health mo, kasama rin ba sa daily routine mo?

Ang Awit 119 ang pinakamahabang chapter sa Bible. Para itong mahabang testimonial tungkol sa importansya ng Salita ng Diyos, at kung bakit kailangan nating gawing habit ang pagbabasa nito. If it’s your first time to read this psalm, nakakagulat ang intensity of emotions na inexpress ng writer ng Awit 119 para sa laws and commandments ng Panginoon. Para ngang in love siya sa mga ito!

But then, it’s not hard to see why. According to the psalmist, ang mga utos ng Diyos can give life (v. 93), wisdom (v. 98), and understanding (v. 104). Hindi lang ang mga kautusan ng Panginoon ang nilalahad sa Bible. It also reveals to us who God is. Mabuti Siya’t mapagmahal, aalagaan ka Niya’t gagabayan, kaya naman gugustuhin mong sumunod at magtiwala sa Kanya.

Every day comes with a unique set of challenges kaya gawin mong bahagi ng daily routine mo ang pagbabasa ng Bible. Get to know the Lord, let Him lead you, and see the difference it will make in your daily life.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, gusto ko pong maging bahagi Kayo ng bawat araw ko. Bigyan Ninyo ako ng excitement to spend more time with You at focus para marinig ko Kayo. Let me fall in love with You habang mas nakikilala ko Kayo.

APPLICATION

According to research, kapag may sinimulan kang bagong habit, in 66 days, magiging automatic na para sa iyong gawin ito. Commit to a two-month Bible reading plan galing sa iyong Bible o kaya sa iyong paboritong Christian app.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 14 =