27

AUGUST 2023

Cancel Culture

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Aliya L. Parayno

Sinabi ni Yahweh, “Tandaan mo Israel, ikaw ay aking lingkod. Nilalang kita upang maglingkod sa akin. Hindi kita kakalimutan.”

Isaias 44:21

Most probably, you have come across the phrase “cancel culture.” Malimit itong mabasa sa social media about celebrities and influencers, though even ordinary people can be victims of such. So, ano nga ba ang cancel culture? Ayon sa Wikipedia, cancel culture or call-out culture is a phrase contemporary to the late 2010 and early 2020s used to refer to a form of ostracism in which someone is thrust out of social or professional circles — whether it be online, on social media, or in person. 

Masakit ang ma-cancel, lalo na kung hindi mo sinasadyang may ma-offend ka o may masabi kang hindi nararapat. Bilang tao, we are wired to be social beings. Natural na kailangan natin ang may makasama at makausap. Need natin ang sense of belongingness and acceptance. We all have a sense of FOMO, or fear of missing out. We dread being cancelled and forgotten by society.

Mabuti na lang, sa kabila ng ating mga pagkukulang, God never forgets us. No matter how offensive and insensitive we become sa mga sinasabi at ginagawa natin, hindi tayo kina-cancel ni God. And He will never, ever! Sa katunayan, Siya pa ang nagbibigay sa atin ng forgiveness at pagkakataong makabangon mula sa kung anumang maling kinadapaan natin. Perhaps there are times when you feel as if God has forgotten you. Perhaps He has not been answering your prayers o di kaya’y parang napakalayo Niya sa iyo. Mas masakit ito kung sa tingin mo ay tapat ka namang naglilingkod sa Diyos pero nangyayari ito sa iyo. Take heart, even if we feel this way, He never forgets. Ang pangakong ito ay tunay ngang nakakalugod at nakapagbibigay ng encouragement sa atin na sa lahat ng pagkakataon, Siya ay lagi nating kasama.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, sa dinami-rami ng aking mga kasalanan sa Inyo, salamat dahil kailanma’y hindi Ninyo ako iniwan at kinalimutan. Bagkus, tinutulungan Ninyo akong makabangon.

APPLICATION

Ilagay mo ang sarili mo sa lugar ng isang taong na-cancel ng society. Try to imagine what that person is feeling and undergoing. Ngayon, think about a person you may have forgotten. Reach out and reconnect with this person, and be a source of encouragement starting today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 1 =