30

MAY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita’y kapatid na tumutulong.

Kawikaan 17:17

Nagsimula sa trabaho ang pagkakaibigan nina Dan, Elle, at May. Dahil sa COVID-19, nagkahiwa-hiwalay sila nang umuwi sila sa sari-sariling probinsya. Dito napatunayan ang lalim ng kanilang samahan.

To earn money, nagtrabaho si Dan bilang courier. Minsan, sa kanyang biyahe, nadulas ang kanyang motor na naging sanhi ng pagkabali ng kanyang balikat. Humingi ng tulong sa mga kamag-anak si Dan pero natakot lumabas ang mga ito dahil sa COVID-19. Kahit kaunting pinansyal na tulong ay hindi nag-abot ang mga ito.

Nang malaman ni Elle ang nangyari, agad na sinundo nito si Dan at naghanap ng maayos na ospital kung saan mabilis na maaaksyunan ang kalagayan ng kaibigan. Si May naman ay sunod-sunod ang padala ng meals, groceries, at extra cash na panggastos sa ospital. Gumawa rin ang mga kaibigan ni Dan ng fund raising activity para makatulong sa operasyon niya. Ang tira nito ay nagamit naman nila na panggastos sa araw-araw habang nagpapagaling pa siya ng katawan. Mas pinatatag ng pagsubok na ito ang kanilang pagkakaibigan.

We are not meant to live alone in this world kaya naman ang magkaroon ng kaibigan gaya nina Elle at May ay maituturing na isang biyaya mula sa Diyos. We are encouraged to be like them as well. Maging kaibigan hindi lang kapag nagkikita, kundi kahit malayo rin. A genuine friend who loves at all times and is ready to extend a helping hand during difficulty. A friend for keeps.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, thank You for giving me a friend like (pangalan ng kaibigan). Send blessing and favor to him/her. And help me to be a blessing to my friends as well as I continue to follow You.

APPLICATION

I-message ang mga kaibigang naisip mo habang binabasa ang devotion ngayon. Let them know how blessed you are for having them in your life. Huwag ding kalimutang isama sila sa iyong Prayer List, kaya swipe left to type their name on the app.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 14 =