3
JULY 2022
God of Many Chances
“…Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito? …kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa.”
Juan 21:15
Matapos kumain nina Peter (o Simon), mga disipulo at Jesus, tinanong siya ni Jesus, “Iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” At sumagot si Peter, “Opo, Panginoon, alam Ninyong mahal ko Kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa.”
Hindi natapos dito ang tanong ni Jesus. Dalawang beses pa Niyang tinanong si Peter kung Siya ba ay mahal nito. Sa parehong beses, pinahayag ni Peter ang pagmamahal niya kay Jesus. At sa parehong beses din, hinabilin ni Jesus kay Peter na alagaan at pakainin ang kanyang mga tupa.
Alin kaya sa tatlong ito ang tumatakbo sa isip Peter tungkol sa sarili habang nag-uusap sila?
Una, nasaktan kaya siya? Alam naman ni Jesus ang lahat ng bagay pero bakit kailangang itanong pa niya si Peter nang tatlong beses? Dahil ba tatlong beses din Siyang itinanggi nito kaya’t tatlong beses din Niyang tinanong kung mahal Siya nito?
O baka naman kabado siya. Tatlong beses ibinilin ni Jesus ang kanyang mga “tupa” kay Peter. Ang isang mabuting pastol ay hindi lamang nag-aalaga sa mga tupa kundi handang ibigay ang sariling buhay para sa mga ito (Juan 10:11).
Finally, did he feel that he was undeserving? After all, hindi niya napanindigan ang kanyang sinabing handa siyang mamatay for Jesus (Mateo 26:35) at sa halip ay itinanggi niya ito nang tatlong beses (Lucas 22:54-62). Epic fail iyon kay Peter ngunit sa kabila noon ay ibinilin ni Jesus sa kanya na alagaan ang kanyang mga kasamahan.
Like Peter, you may have messed up big time. Or maybe you made a bad choice that has irreversible consequences. Your past does not define you and with Christ, all things are made new. Like with Peter, Jesus sees you differently. He loves you that He died for your sins, including your past mistakes. Ang tanong ngayon sa iyo ni Jesus, “Iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?”
LET’S PRAY
Panginoon, maraming salamat sa pagmamahal Mo sa akin. Namatay Ka sa krus para sa aking mga kasalanan — past, present, at future. Inaamin ko na ako ay makasalanan at tinatanggap ko ang kaligtasan mula sa Iyo. Tulungan mo akong ibigin Ka at tahakin ang bagong simula sa tulong Mo.
APPLICATION
Ask the Holy Spirit to reveal to you any sins that you need to confess and repent of. Confess them to the Lord at hingin ang tulong Niya na baguhin ka Niya.