2
JULY 2022
On Breaking a Promise
Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.
Lucas 22:32
May VIP seat si Simon (o Peter) sa miracles at preachings a ni Jesus. Alam ni Peter na si Jesus ay ang Messiah, the Son of the living God. Subalit kung kilala ni Peter si Jesus, mas kilala siya ni Jesus. Nag-warning si Jesus kay Peter, “Simon! Simon! Hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo. Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya … ”
Sumagot si Peter, “Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama ninyo!” Ngunit sinabi ni Jesus, “Pedro, tandaan mo ito, bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay tatlong beses mo akong ikakaila” (Lucas 22:31-34).
Makalipas ang ilang oras, dinakip ng mga kawal si Jesus. Di tulad ng ibang disciples, sumunod si Peter sa hindi kalayuan. At sa pagsunod niyang ito, tatlong beses siyang itinuro ng mga nakakita sa kanya na tagasunod siya ni Jesus. At sa bawat pagkakataong ito ay ipinagkaila niya si Jesus. Matapos nito ay tumilaok ang manok. Nangyari nga ang warning ni Jesus at naalala itong lahat ni Peter. Kaya naman umiyak siya nang buong pait (Lucas 22:54-62).
Marahil ay tulad ni Peter, may isang bagay na ipinangako kang gawin pero hindi mo napanindigan. Or maybe you’re struggling with a secret sin that you can’t get rid of. Or you may have disappointed people who trusted you to deliver a task. Or because of a mistake, you think you are disqualified to receive forgiveness.
At tulad din ng pagkakilala Niya kay Peter, kilala ka ni Jesus. He knows that we all have fallen short (Mga Taga-Roma 3:23) that’s why He died once and for all of our sins (Mga Taga-Roma 6:10). Kapatid, tahan na. Receive Jesus’ gift of forgiveness and follow Him. Magbalik-loob ka na sa Kanya.
LET’S PRAY
Lord, thank You because You know me. You call me by name and not by my sins and failures. Patibayin mo ang aking pananampalataya sa tulong ng Holy Spirit at ng mga Salita Ninyo.
APPLICATION
Ano ang bumabagabag sa puso at isipan mo ngayon? Isulat mo sa journal ang mga ito at basahin ang Bible mo. Maaari mong gamitin ang Prayer List feature sa app para i-track ang answer ni Lord sa prayers mo.