4

JULY 2022

Ikaw ba Talaga, Jesus?

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Michellan Alagao

Nakabilanggo na noon si Juan na Tagapagbautismo. Nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Cristo kaya’t nagsugo siya ng ilang mga alagad upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?”

Mateo 11:2-3

Tinawag ni Jesus si Juan na Tagapagbautismo na higit na dakila kaysa sinumang isinilang sa daigdig (Mateo 11:11). Si Juan ang nag-baptize kay Jesus, at nakakilala sa kanyang pagiging Messiah. Nang makita niyang dumaraan si Jesus, sinabi ni Juan na Siya ang Kordero ng Diyos. Malinaw sa maraming verses na kilalang-kilala ni Juan kung sino si Jesus, ngunit bakit siya nagkaroon ng doubts sa pagiging Messiah Nito?

Sa loob ng selda nanggaling ang tanong ni Juan kung si Jesus nga ba ang Messiah. Baka nawalan ng hope si Juan habang siya ay nakakulong. Baka may mga expectations siya kay Jesus or iba ang kanyang concept ng isang Messiah at hindi tugma iyon sa mga ginagawa ni Jesus. Whatever the reason kung bakit nagkaroon si Juan ng crisis of faith, ito ang observation natin: kahit si Juan na Tagapagbautismo, higit na dakila kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ay nagkaroon ng mga doubts sa gitna ng pagsubok.

Tayong mga believers ay mas malamang na makaranas ng ganitong response sa trials. Isa itong normal na bahagi ng ating faith journey. Ang mahalaga ay maalala natin ang sagot ni Jesus sa katanungang ito ni Juan: “Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita” (Mateo 11:5).

Habang tayo ay dumaraan sa trials, patuloy ang miracles ni Jesus. Patuloy ang healing at restoration. Patuloy ang evangelism. Ang hope natin ay matanggap natin ang kailangan nating grace from Jesus para malampasan ang ating mga pinagdadaanan. At tulad ni Juan, we need only to ask Christ, at sasagot Siya, tulad ng pagsagot Niya kay Juan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, bakit nangyayari sa akin ang mga pagsubok na ito? Help me. I ask for grace to overcome. Malampasan ko sana ang mga ito, and come out stronger in faith.

APPLICATION

May pinagdadaanan ka ba na nagse-shake sa iyong faith kay Jesus? Nagkakaroon ka ba ng doubts tungkol sa person ni Christ, at sa Kanyang mga promises? Ask God for answers and more importantly, for grace.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 2 =