6
SEPTEMBER 2022
Godly Sorrow vs Worldly Sorrow
Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.
2 Mga Taga-Corinto 7:10
Iyak nang iyak si Mark. Grounded kasi siya at pinagbawalang gumamit ng gadgets at cellphone for one week. Nahuli kasi siya ng nanay niya na nagsinungaling. Hindi siya pumasok sa online class nila dahil nayaya siya ng kaibigan na maglaro ng computer games.
”Si Justine po kasi niyaya ako maglaro. Promise po, Ma, hindi ko na po uulitin. Sorry po talaga. ‘Wag ninyo na po ako parusahan. Please, Mama!” pagmamakaawa ni Mark habang umiiyak. After one week, hindi na siya grounded. Pero umabsent na naman ulit si Mark sa online class.
Paano nga ba natin masasabi na tayo ay tunay na nagsisi sa ating mga kasalanan? Nasusukat ba ito sa dami ng luha na ating iniyak? Sa mga pangakong binibitawan natin? Sa pagsasabi ng “Sorry”? Sa Bible, ginamit ang term na “godly sorrow” para i-describe ang tunay na pagsisi.
Sa 2 Mga Taga-Corinto 7:10, makikita natin na hindi pala luha ang sign ng tunay na pagsisisi. Shocking, but true. May pag-iyak at kalungkutan din pala na galing sa mundo o “wordly sorrow.” Imagine, posible pala na umiiyak tayo pero hindi tayo totoong nagsisisi.
Ang godly sorrow ay ang kalungkutan na nararamdaman natin sa tuwing tayo ay nagkakasala kay Lord. Our hearts break because we know God is not pleased when we sin. Umiiyak tayo dahil alam natin na mali ang ating ginawa. Sa godly sorrow, tayo ay nagkakaroon ng desire na magsisi, tumalikod sa ating mga kasalanan, at huwag na itong ulitin. May pagbabago na nakikita sa atin kapag tayo ay may godly sorrow.
Sa worldly sorrow naman, mahilig tayo mag-justify. We tend to blame others for our sins. Umiiyak tayo dahil lang ayaw natin maparusahan or dahil ayaw nating maranasan ang consequences ng ating kasalanan. Umiiyak tayo dahil nahuli tayo, pero walang genuine repentance or kagustuhan na iwanan ang kasalanan. May luha pero walang pagbabago na nakikita sa worldly sorrow.
Today, let us examine our hearts. Anong klaseng kalungkutan ba ang nararamdaman natin kapag tayo ay nagkakasala kay Lord?
LET’S PRAY
Dear Lord, break my heart for what breaks Yours. I humbly confess and repent from _____ (if there’s any sin that God is reminding you of today, mention it specifically). Cleanse me and forgive me of my sins. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Iwasan ang mag-justify kung may nagawang mali. If there are consequences na dapat tanggapin, humbly accept it and be intentional in turning away from the sin.