5
SEPTEMBER 2022
Walk the Talk
Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.
1 Juan 3:18
Mula sa broken family si Marinel kaya hindi siya naniniwala sa kasal. Naging party girl siya at war freak. Her friend Caroline shared the gospel with her but at first, she ignored it. Pagkalipas ng maraming taon, ibinalita ni Marinel na naniniwala na siya sa love ni God. Ngayong nanay na si Marinel, ibinahagi niya kay Caroline ang isang senaryong hindi niya makalimutan. Ito ay kung paanong ipinapag-pray lagi si Caroline ng kanyang daddy bago sila mag-overnight sa bahay ng kaklase para gumawa ng school project. Ito ang unang picture ng parent-figure para kay Marinel. This inspired her to be a better parent for her son. It also made her realize na totoo si God the Father na pwede niyang malapitan.
Hindi sapat ang explanation ni Caroline about how God cares for Marinel. Apparently, mas malakas ang impact sa kanya nang makita niya kung paanong consistent ang pagsunod ng pamilya ni Caroline kay God. A simple gesture of a father praying for his daughter moved Marinel’s heart.
Madaling magpost ng Bible verses at i-share sa kausap natin ang pag-ibig ng Diyos. Mas mahirap ang sabayan ito ng gawa para maiparamdam ang katotohanan ng grace ni God. But we should be able to manifest this love into action because we experienced it firsthand from our God.
So, let’s walk the talk! For instance, pwede mong dalhan ng kape ang guard na puyat sa pagbabantay sa subdivision niyo. Or send a small prayer via chat sa kaibigan mong nagpo-post tungkol sa stress niya sa buhay. A simple gesture can go a long way if we do it out of God’s love.
LET’S PRAY
Father God, thank You for loving me even when I don’t deserve it. Help me to show Your love and grace not only through words, but in action.
APPLICATION
Anong sinasabi sa iyo ni God na gusto Niyang gawin mo? Start doing small acts of love that will help others realize that God loves them.