7

SEPTEMBER 2022

His Uncommon Ways, Part 1

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Felichi P. Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Nang payagan na ng Faraon ang mga Israelita, hindi sa daan patungong Filistia sila pinaraan ng Diyos kahit na iyon ang pinakamalapit. Ayaw niyang ang mga Israelita’y mapasubo agad sa labanan, baka magbago pa sila ng isip at magbalik sa Egipto.

Exodo 13:17

Minsan may mag-asawa na naglalakad. Binulungan ng husband ang wife niya na lumipat sa kanyang kaliwa. Initially, ayaw ni wife kasi mapapalapit siya sa daanan ng kotse. May katwiran naman. Dahil may resistance si wife, nagsalita si husband nang pabulong, “Gusto kitang i-protect. Iniiwas kita sa grupo ng mga lalaking tambay sa may unahan. Sumunod ka na lang.” Akala ni wife, nasa tama siya dahil gusto niyang umiwas sa mga paparating na sasakyan. Hindi niya napansin ang nakita ni husband, and when she realized what was happening, dali-dali na siyang sumunod!

Just like the Lord who sees what is up ahead, minsan, His guidance does not make sense to us at the moment. May mystery. Kagaya ng nangyari sa mga Israelites. Nakalaya na sila sa Egypt at papunta na sila sa Promised Land but God didn’t let them use the shorter route. Inilayo sila ni Lord sa panganib. Besides, hindi pa kasi sila handang humarap sa mga kaaway nung time na yon. The shorter way or the more obvious way is not always the safest way. Buti na lang sumunod sila!

Kadalasan, when we decide, mas pipiliin natin ang mas maikling daan. The sooner we get there, the better, ika nga. O kaya, we depend on our own wisdom or the wisdom of the world. Malaki ang influence ng common sense sa atin na minsan hindi na tayo nagko-consult kay Lord. Nagiging hadlang tuloy ang sariling diskarte natin sa ating faith journey. Hindi ba’t si Lord lamang ang nakakaalam ng lahat? Hindi ba’t His ways are not our ways? He is the God of uncommon ways who knows the end from the beginning and is worthy of our trust. Alam Niya if we are ready or not for the challenges ahead. He wants us to be prepared. Alam Niya ang limits ng ating kakayahan, sukat Niya ito at hindi Niya tayo isasalang sa isang bagay na hindi natin kakayanin.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Salamat, Panginoon sa mga oras na inilayo Ninyo ako sa kapahamakan. Patawarin po Ninyo ako for the many times I relied on my wisdom and not Yours. Turuan po Ninyo akong sumunod sa Inyo at manalig kahit hindi ko naiintindihan. Lead me, Good Shepherd, in paths of righteousness for Your name’s sake. Amen.

APPLICATION

Sabi sa Proverbs 3:6, “In ALL your ways acknowledge Him, and He will direct your paths.” Before you go about your week, subukan mong ilapit sa Panginoon ang mga bagay na kailangan mong desisyunan this week. Ask for insights, guidance, and confirmation from His Word and follow His way, kahit hindi familiar sa iyo. Share your experience with someone you trust.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 7 =