24

JUNE 2022

God’s Hands in My Failures

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by PMV Clapano

Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin.

Awit 145:14

Minsang nalasing si Mutlu at inakala ng kanyang mga friends na naligaw siya sa forest nang hindi siya makabalik sa kanyang pamilya makalipas ang maraming oras. When it was reported to the police, nagsagawa sila ng search party to look for him. He later joined the group and helped to look for himself. Nang magsimula silang tawagin ang kanyang pangalan, he said, “I am here.”

Mutlu’s experience may seem funny dahil literal na “hinanap niya ang kanyang sarili” but it was such a relatable topic lalo na sa mga taong naligaw ng landas, nag-fail sa buhay, at nakagawa ng kasalanan. One way or the other, we all have made mistakes and have failed ourselves and the people around us. Pero paano nga ba tayo makakabalik kapag tayo ay naligaw, paano tayo makakabangon ulit from our failures, and how can we move past our sins?

Sabi sa Romans 3:23 na we all have sinned and fall short of the glory of God. This means that we are not perfect and we have to accept that fact. There is hope once we decide to seek help from the Lord knowing na hindi natin kayang itayo ang ating mga sarili. Sabi sa 1 Juan 1:19, “ Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.”

We can bounce back from our failures. We can find our way back to God. We can learn from our mistakes. All these are possible if we believe in Jesus Christ who died on the cross and rose from the dead for our sins. We might still make mistakes along the way pero sa ating pagsunod ay may promise si Lord sa Awit 37:24, “Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya’y tutulong.” Hindi tayo pababayaan ni God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for reminding me that there is hope for me sa kabila ng aking mga pagkakamali at pagkukulang. I am a sinner and I need You in my life. Please forgive me from all my sins and change me from the inside out. Salamat din po sa pangako Mo na You will help me in times of trouble. You are indeed a gracious God.

APPLICATION

Pakiramdam mo ba ay lugmok ka dahil sa nagawa mong kasalanan? Are you discouraged from dreaming again because you have failed in the past? Open your heart to God and pray.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 1 =