16
APRIL 2023
Maraming Tanong
At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.”
Juan 20:27
Nakilala si Tomas bilang “Doubting Thomas,” at ang term na ito ay ibinabansag din sa mga taong parating nag-aalinlangan. Alam ng marami ang kanyang famous line sa John 20 nang ibalita ng mga disciple na nakita nilang buhay si Jesus matapos itong ipako sa krus. “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga’t hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran” (v. 25).
When the risen Christ finally appeared to Thomas, Jesus responded to his remark in a very tangible way. “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka” (v. 27).
Ang bait ng Panginoon. Nagpakatotoo si Tomas, inamin niya ang limitasyon ng kanyang paniniwala, at hindi naman siya hinusgahan ni Jesus. Instead, Jesus gave exactly what Thomas needed. Jesus met him at a level where he can understand. And that was when the apostle acknowledged Jesus as his Lord (v. 28).
It’s a comfort to know that it’s okay to ask, to express our feelings and beliefs, kaysa naman magpanggap tayong sigurado na tayo at alam natin ang lahat. Actually, it takes more courage and humility to admit that we don’t know the answers. Our loving and wise God will reveal answers to our questions and erase doubts at every level, hanggang sa dumating tayo sa point na naniniwala na tayo kahit hindi pa natin nakikita. Hindi naman instant and pagkakaroon ng strong faith. Ang kailangan, matibay ang pundasyon nito para hindi madaling matibag.
LET’S PRAY
Panginoon, You know the questions in our hearts, especially the questions that we have buried deep down, dahil siguro ay nahihiya kami o natatakot kami sa sagot. Thank You that You understand our doubts and that You will somehow answer our questions. We seek to know You, Jesus. Build our faith and help us reach that point where we can believe kahit hindi pa namin nakikita ang pinananampalatayanan namin.
APPLICATION
Time for a heart check. When people make comments or ask questions about God, how do you answer? Do you brush them off and insinuate na dapat alam na nila iyon? Or do you follow Jesus and patiently meet them where they’re at?