20

OCTOBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Binoy Sadia & Written by Celeste Endriga-Javier

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.”

Mateo 18:15

Itago na lang natin siya sa pangalang Corazon. Isang araw, may nasabing medyo taliwas ang katrabaho ni Corazon sa kanya. Na-offend nang matindi si Corazon kay Maria. Ang una niyang ginawa ay lumapit sa kanyang matalik na kaibigan at naglabas ng sama ng loob. Hindi naman daw ito paninirang-puri, nagsasabi lang ng totoo. “Paki-pray mo lang,” ika pa niya, “at secret lang eto ha, atin-atin lang.”

Ano kaya ang kasunod na nangyari? Tama! Ang “sikreto” ay kumalat sa iba pang matatalik daw na kaibigan. Kaya isang barangay na ang nagtanim ng galit laban sa walang kamalay-malay na si Maria. Hindi maintindihan ng kawawang Maria kung bakit siya iniiwasan ng lahat.

Para kay Corazon, mas madali ang umiwas at maging plastik. Kaysa harapin ang itinuturing niyang “salarin,” mas mabuting siraan na lang niya ito nang patalikod. Kaso, nang sumunod na buwan, nabaliktad ang istorya. Ayon sa bulung-bulungan, si Corazon naman daw ang talagang kontrabida! Ayayay! Na-realize tuloy ni Corazon na masakit pala kung siya naman ang tinuturing na salarin.

Nangyari na ba sa iyo ito? Naging Maria o Corazon ka na ba? Aray ko po!

Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa ganitong mga sitwasyon. Sabi sa Mateo 18:15: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.

Naku, ang kailangan pala ay kausapin nang “sarilinan” ang inaakala mong “salarin” o nagkasala sa iyo. Pero mas mainam na palipasin muna ang galit nang mag-isa. Magmuni-muni. Mag-pray. Makinig ng mga worship music. Hindi ba minsan, tayo rin ay nakaka-offend ng iba nang ‘di natin sinasadya? Pag mas panatag na ang loob, kausapin ang naka-offend sa iyo—nang  sarilinan—nang may tunay na concern sa kanya. Speak the truth in love ‘ika nga. Mahirap itong gawin, pero with God’s grace, we will be able to do the right thing.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sa totoo lang, masama po ang loob ko ngayon kay ____. Ang sakit ng mga sinabi niya. Nakakagalit. Nakakaiyak. Pahupain po Ninyo ang aking nararamdaman. Alam ko po na minsan, ako rin ay nagkakamali. Salamat na una na Kayong nagpatawad sa akin kaya pinapatawad ko na rin siya. Palawakin Ninyo ang aking pang-unawa, baka may pinagdadaanan lang siya. I want Your peace, Lord, bago ko siya kausapin. Ibalik po Ninyo ang dati naming samahan. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Kung hindi pa panatag ang iyong puso, isulat ang lahat ng iyong saloobin. Lahat ng galit at sama ng loob, ilabas mo na. Pagtapos ay punitin at itapon ito. I-declare mo that you have already forgiven that person and believe that God’s love, peace, and healing is yours today.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =