17

FEBRUARY 2024

Hindi Kita Mami-Misplace

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.

Awit 94:19

Lahat tayo mayat-maya may nami-misplace. Kung hindi susi ng kotse, parking ticket o kaya kapares ng paborito mong medyas. Nakaka-frustrate ang situation lalo na kapag ikaw ay nagmamadali. 

Gaya ng isang nanay na nawalan ng gamit, pero kahit anong paghanap ang gawin niya, fail! Nanlumo siya dahil di niya maalala kung saan niya nilagay ang ilang bagay. Napansin na ng kanyang mga kapamilya na wala siyang peace. Ang frustration niya naging self-condemnation na. “Bakit ba masyado akong makakalimutin? Nagiging ulyanin na yata ako.” Na-realize niya na hindi na maganda ang takbo ng isip niya, at naisipan niyang i-share kay Lord ang nararamdaman niya, “Lord, bakit ba ako ganito? Ang galing magtago tapos nakakalimot. Ayoko na ng ganito, Lord.” Habang naglilitanya, tila biglang nangusap si Lord at naglambing, “At least, Ako di mo mawawala at never naman kita mami-misplace!”

Oo nga naman! Kuhang-kuha talaga tayo ni Lord at angkop na angkop sa panahon ang Kanyang mga pahiwatig. Sa isang iglap, nakalma ang distress ng nanay at nakaramdam siya ng di mapaliwanag na galak at tuwa. Kaya excited niyang ibinahagi ang nangyari sa kanyang mga kapamilya.

Damang-dama ang concern ni Lord, nagsisi si nanay at na-realize niya na di siya dapat nagpapaapekto sa kawalan ng mga bagay na puwede namang ma-replace. Na-remind din siya na anuman ang mangyari, mawala man ang lahat, di siya mawawalay kay Lord. Sa totoo lang, sa kanyang pagmumukmok, siya itong nawawala sa tamang landas. Pero dahil tapat ang ating Mabuting Pastol, ginuide siya na tigilan ang pagmumukmok at huwag nang mabalisa, at sa halip ay muling magtiwala.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, kapag naaalala ko ang Inyong kalbaryo, minsan nang nawala sa Inyo ang lahat para di namin ever maranasan ito. Salamat, Lord, I am Yours, and You are mine forever. Patawarin po Ninyo ako sa aking pagmumukmok at pagkalimot sa Inyong walang kapagurang pag-iingat at pagmamahal. Amen.

APPLICATION

Maliban kay Jesus mismo, ano pa ang mga natanggap mong eternal gifts mula sa Kanya? Ano naman ang mga bagay na “nawala” o kusang ginive-up ni Jesus para matupad Niya ang kalooban ng Diyos? Give thanks to Jesus for each one.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 12 =