8
SEPTEMBER 2022
His Uncommon Ways, Part 2
Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.
Isaias 11:3
Generally speaking, when we make a choice it is based on what we see or hear.For example, kapag maulap ang langit, magdadala tayo ng payong. Kapag sinabi ng Waze na ma-traffic sa isang lugar, maghahanap tayo ng ibang route. Wala namang mali sa paggamit ng common sense. Pero do you remember the instances when the Lord’s way did not make sense?
Naalala ba ninyo ang paglakad ni Peter on water? O kaya ang pagtanggap ni David, isang teenager, sa hamon ng giant na si Goliath? How about Abraham? Ang aga niyang nagising to sacrifice his only son! Eto pa, ‘di ba sinadya ni Jesusna ma-late Siya nang pagdating nung nagkasakit ang matalik Niyang kaibigang si Lazarus? Mahirap ipaliwanag ang mga ginawa nila, pero kinailangang mangyari ang mga ito para matupad ang purpose ng Panginoon.
Even up to now, di mabibilang ang dami ng Christians na nagpapasakop saDiyos at kumikilos sa di–karaniwang paraan. May janitor na ipinagpaliban ang pagpapatayo ng sariling bahay dahil gusto niyang ibigay ang ipon para sa church building project. May namatayan who chose to forgive the person na pumatay sa kanyang kapatid. May mag-asawang umampon sa isang sanggol na iniwan sa basket.
God may seem unpredictable at times but He is completely reliable. Tulad nga ng Israelites (Exodus 3:17), kinailangang idaan sila sa wilderness para sa ikabubuti nila. Hindi man natin gusto sa wilderness, dito natin mararanasan ang kasapatan ng Panginoon. God is sufficient. Siya ang ating Pastol at kung tayo’y Kanyang idinadaan sa wilderness, may matimbang Siyang dahilan. With Him by our side, we can trust that it will be a safe journey.
LET’S PRAY
Lord, salamat at ang Inyong kaparaana’y higit sa aking kaparaanan. Tulungan po Ninyo akong magtiwala na hawak Ninyo ang aking kamay and even if I don’t know how, malalampasan ko ang wilderness na ito kasama Ninyo at matutupad ang mabuting kalooban Ninyo. Amen.
APPLICATION
May wilderness experience ka ba? Subukan mong mag-worship by listing down who God is to you today and thanking Him. Use the letters in the word “wilderness.” Halimbawa, W is for Wonderful, I for Immanuel, and so on. And post that list on your FB page with the hashtags #Tanglaw #HisUncommonWays