28

SEPTEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by M.C. Navarro

Maawa ka, Panginoon, ako’y iyong kahabagan, lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway; nilulusob nila ako, walang tigil, buong araw, O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban.

Mga Awit 56:1-2

Nakapag-post ka na ba ng hugot sa social media? ‘Yun bang katulad nito—

Buti pa ang kalendaryo, may date…

Buti pa ang I.D. hindi puwedeng iwanan…

Buti pa ang manibela, hindi puwedeng bitawan…

Buti pa ang pera, may halaga…

Buti pa ang birthday, happy…

Kung nabuhay sa panahon natin si Haring David, malamang madalas tayong makakakita ng posts niya sa social media. Paano, kapag may pinagdaraanan siya, lagi siyang may hugot. Kaya nga ang ending, siya ang nakapagsulat ng halos kalahati ng Mga Awit. Pero dahil “man after God’s own heart” si Haring David, may twist sa dulo ang mga hugot niyang ito.

Simpleng pastol si Haring David nang pinuntahan siya ng propetang si Samuel para sabihang siya ang pinili ng Panginoon na susunod na hari ng Israel. Pero bago matapos ang reign ng predecessor niya na si Haring Saul, David had already proven himself as a greater warrior. Umani ng admiration si David at dahil dito, nainggit at na-threaten si Saul (1 Samuel 18:8-9). Ilang beses na pinagbantaan ni Saul ang buhay ni David, hanggang sa napilitan siyang magtago.

During this time, hindi siya nangiming i-describe kung gaano ka-desperate ang sitwasyon niya, pero bago matapos ang bawat Awit, ine-express niya na hindi nawawala ang tiwala niya sa Diyos. He chose to remember God’s promises to him at pinanghawakan niya ang mga ito despite his current circumstances. And at the very end, he always praised the Lord because He is worthy of praise.

David wasn’t perfect. He seduced Bathsheba and sent her husband to the frontline of battle to get killed (2 Samuel 11). Ang mga kakulangan niya bilang ama ang ugat ng rebellion at eventual death ng isa sa mga anak niya (2 Samuel 16:10-12; 18:33). But what set him apart was his humble spirit. Hindi niya ikinaila ang kanyang mga kasalanan at pagkukulang. Humingi siya ng kapatawaran sa Diyos to acknowledge His continued lordship and authority over his life.

Kung anuman ang hugot mo ngayon at kahit na feeling mo ang layo mo kay Lord, ibulong mo lang sa Kanya ang pinagdaraanan mo at pakikinggan ka Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, madalas, kapag may pinagdadaanan ako, ang problema ko lang ang nakikita ko at hindi ang kabutihan Ninyo. Increase my faith, Lord, para kahit ano pa ang dumating sa buhay ko, papupurihan ko Kayo.

APPLICATION

Basahin ang kabuuan ng Mga Awit 56. Subukang gumawa ng sarili mong awit na nagsisimula sa sitwasyong bumabagabag sa iyo ngayon, at tapusin ito sa pagpupuri para sa Panginoon.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 4 =