4

SEPTEMBER 2024

Huwag Ka Nang Umiyak

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Peter Kairuz & Written by Joshene Bersales

Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.”

Lucas 7:13

Bago ang sarili Niyang resurrection, tatlong beses munang nag-resurrect ng ibang tao si Jesus during His three-year ministry. Pinakasikat siguro rito ang resurrection ni Lazarus, na kapatid nina Martha at Mary. Pamilyar din ang marami sa resurrection ng daughter ng synagogue leader na si Jarius.

Sa tatlong resurrection miracles na ginawa ni Jesus, ang miracle sa Lucas 7:11–17 yata ang pinaka-hindi familiar. Ito ay ang resurrection ng anak ng biyuda sa Nain. Papasok pa lang si Jesus at ang Kanyang disciples sa bayan ng Nain nang nakasalubong nila ang libing ng binata. Marahil ay nakita Niya kung gaano katindi ang pag-iyak ng ina nito. Kaisa-isang anak na lalaki kasi ng biyuda ang namatay. Hindi binanggit sa Bible kung ilang taon nang biyuda ang babae, pero marahil ay sila na lang ng kanyang anak ang magkasama sa buhay. At ngayong pumanaw na ang binata, wala nang matitirang kakalinga sa kanyang ina.

Sabi sa Lucas 7:13, nahabag si Jesus nang makita Niya ang ina ng namatay. Bago pa Niya buhayin muli ang binata, He took the time para i-comfort muna ang namatayan. “Huwag ka nang umiyak,” sabi Niya rito. And then He performed His miracle of resurrection. Hindi Niya basta-basta na lang binuhay ang patay and then moved on. Inuna muna Niyang makiramay sa buhay na nagluluksa sa Kanyang harapan.

Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay. Lagi itong may kasamang lungkot, sakit, at luha. Sa panahong ganito, tandaan sana natin na OK lang umiyak. Na nakikita ni Jesus ang pagluluksa natin. Na overflowing ang compassion sa Kanyang puso. At nariyan Siya para damayan at i-comfort tayo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, salamat po dahil You understand my pain of loss. Tulungan Mo ang puso ko na makahanap ng comfort sa Iyo sa panahon ng pagluluksa.

APPLICATION

May pinagluluksa ka ba ngayon at kailangan mo ng kausap? Kung ikaw ay nakikinig sa ating Tanglaw app, i-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 7 =