5
JULY 2023
Huwag Kang Mag-alala
Kaya’t sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong katawan.
Mateo 6:25
Kapag malapit na ang due date ng bills at medyo kapos ang budget, mahirap pigilan ang nerbyos. Kapag nakikita natin ang matataas na presyo ng mga bilihin sa news at social media, di maiwasan ang kaunting kaba. Kapag tumatanda na tayo at single pa rin, at nais nating magkaroon ng family, we get anxious. Ito ‘yung feeling ng worry, takot, at pagkabalisa. Sa Bible, we are often reassured of God’s provision and promises, pero bakit parang newbie pa rin tayo tuwing confronted tayo with need? Granted that some of these needs are big-ticket items, pero big or small, di ba kayang-kaya naman ni Lord? So bakit worried pa rin tayo?
Lahat naman tayo may needs; it’s a real, valid thing. From the moment we’re born until mamatay tayo, lagi tayong may kakailanganin. Maliit at malaki, mahirap at madali, sari-sari ang uri ng pangangailangan ng buhay. Yet confident si Paul na God will provide for our needs (Mga Taga-Filipos 4:19). So anong alam ni Paul na di natin alam? Paul expresses complete confidence sa generosity ni Lord (Mga Taga-Roma 8:32). If He gave us Jesus, meron pa ba Siyang hindi kayang ibigay? ‘Yung confidence natin kay Lord must be greater than the urgency of our needs. God must be real to us first. Humihingi tayo sa isang real Person. We are told to ask, seek, and knock (Mateo 7:7–8) so that our needs can be met by a real Father who wants to give good things to His children.
Sa New Testament, we are reminded again: Don’t be anxious (Philippians 4:6–7). Dalhin natin ang requests natin kay Lord, in prayer with thanksgiving. We can either choose to worry, na hindi na nga nakatulong sa mga pangangailangan natin, na-stress pa tayo, or magtiwala na tutugunan ito ni Lord, according to His riches. We know the right choice, di ba?
LET’S PRAY
Father God, salamat sa lahat ng blessings Ninyo, and I ask for Your provision. I believe that You are real, and I can trust You to provide for me.
APPLICATION
Lagi ka bang takot na baka kapusin ka? Kamusta ang prayer life mo? Kausapin mo si Lord right now, in all honesty, tungkol sa mga pangangailangan mo.