12
NOVEMBER 2023
In Between Faith and Doubt
Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”
Juan 20:28–29
Pinagdadasal mo ang isang bagay at may confirmation ka pa mula sa Salita ng Diyos, pero bakit kabaliktaran ang nangyayari? Tila natatagalan ang sagot sa panalangin mo at sa tagal ay parang malabo nang mangyari ito. You are close to doubting, but faith tells you to hold on. Kung ikaw ito ngayon, have you considered that God could be stretching your faith?
In John 20:24–29, mababasa natin ang experience ni Thomas na isa sa mga disciple ni Jesus. Excited na ibinalita ng mga disciple na nabuhay na muli si Jesus, ngunit nagduda siya sa balita. Sa loob ng tatlong taon, saksi si Thomas sa mga pangangaral at milagrong ginawa ni Jesus. Pero bakit pa rin siya nagduda? Maniniwala lang siya kapag nahawakan niya ang sugat ni Jesus?
A faith that has not been tested cannot be trusted. Ayon sa James 1:2–4, sinusubok ang ating pananampalataya para sa ating kabutihan. Ang mga pagsubok ang nagpapatatag ng ating pananampalataya sa Diyos. Habang sinusubok tayo, alam din ni Jesus ang ating kahinaan. Kaya Jesus met Thomas when he was doubting. Matapos ang walong araw mula nang matanggap ni Thomas ang balita, nagpakita si Jesus sa kanya at sinabing, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka” (John 20:27).
There’s a Thomas in all of us. Habang hinihintay natin ang katuparan ng pangako ng Panginoon sa ating buhay, susubukin din kung gaano tayo nagtitiwala sa Panginoon. Tutukusuhin tayo ng pagkakataon na pagdudahan ang kabutihan at pagmamahal ng Panginoon sa atin. Kaya sa gitna ng pagdududa, lumapit tayo sa Kanya. Jesus will meet us in our doubts. At tulad ni Thomas masasabi mo rin sa huli, “Panginoon ko at Diyos ko!”
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan Ninyo akong magtiwala habang hinihintay ko ang katuparan ng pangako Ninyo sa aking buhay. Tulungan Ninyo akong tanggalin ang aking mga alinlangan at duda. Dalangin ko ito sa ngalan ni Jesus. Amen.
APPLICATION
Habang nakapikit, i-identify mo ang lahat ng tunog na maririnig mo. Hindi mo man nakikita ang pinanggalingan ng mga tunog pero naroon sila. Ganoon din, magtiwala ka na kahit hindi mo nakikita, may ginagawa ang Diyos. Hilingin sa Panginoon na tulungan kang lumakad nang may pananampalataya.