20
NOVEMBER 2023
Integridad
Ang taong tapat ay ligtas sa kapahamakan, ngunit ang masama ay biglang mabubuwal.
Kawikaan 28:18
Madaling araw na nang nagmamaneho si Randy, pagod galing sa trabaho at gusto na talagang umuwi’t matulog. Wala nang sasakyan sa kalye, malapit na siya sa kanyang bahay nang biglang may matulin na sports car na sumulpot sa kanyang harapan. Napakabilis nito at tila babanggain siya, head-on! Bumusina nang malakas si Randy at mabilis na nag U-turn ang sports car. Humarurot ito papalayo. Dahil nagulat, nawala ang antok ni Randy. “Ano bang klaseng driver ‘yan, porke’t wala nang pulis ay basta-basta na lang papasok sa one-way street! Walang integridad!” Napabuntung-hininga si Randy habang kumakabog ang dibdib sa naiwasang aksidente.
Integridad. Ang paggawa ng tama, lalong-lalo na kung walang nakakakita. Walang nakakakita, kundi sarili natin, at si God. Integridad. Treating our family the same way in public and in private. Integridad. Living our lives daily in all honesty, at hindi lang para sa social media. Ang kapalit ng integridad ay kapayapaan at kaligtasan mula sa kapahamakan.
Sa Proverbs 10:9 mababasa natin: “Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.” Sabi naman ng Kawikaan 28:18: “Ang taong tapat ay ligtas sa kapahamakan, ngunit ang masama ay biglang mabubuwal.”
Nakauwi nang ligtas at payapa si Randy. Pagbaba mula sa kotse, narinig ni Randy ang sirena ng pulis. At ambulansya. Agad niyang naisip ang driver ng sports car. Imbes na naging matigas ang kanyang puso, siya ay nahabag. Imbes na “Buti nga sa iyo!” ang lumabas sa kanyang mga labi, ang nasabi niya ay, “Sana naman ay walang nasaktan nang malubha.” Kapayapaan ang naghari sa puso ni Randy, at masarap ang kanyang tulog nang gabing iyon.
LET’S PRAY
Panginoon, nakikita Ninyo ang lahat ng aming mga kilos, tama man o mali. Holy Spirit, since You dwell in us, convict us of any wrongdoing, grant us strength during times of temptation. At the same time, help us not to judge others when they do wrong, for that is Your job, Holy Spirit, not ours. We know that we can only demonstrate integrity by Your grace. By Your grace, help us live as Jesus lived. Amen.
APPLICATION
Marami pa tayong puwedeng idagdag sa listahan sa itaas sa kung ano ang ibig sabihin ng integridad at kung paano natin ito maaaring ipamuhay. Go ahead, add to the list. Pagnilaynilayan natin ito.