24
AUGUST 2024
Is It Time to Move?
Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, hayaan mong ako’y pumunta sa iyong kinaroroonan diyan sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.”
Mateo 14:28–29
When do you know that it’s time to move? Situations like, “Need ko na bang maghanap ng bagong trabaho?” or “Is it time to take our relationship to the next level?,” or “Lilipat na ba ako ng bahay or magma-migrate papunta sa ibang lugar?” Ang hirap ‘no? At times, it’s even scary because you don’t know what’s next.
Meet Peter, isa sa disciples ni Jesus. Hatinggabi, sa gitna ng paglalayag ng kanilang bangka, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Natural, natakot sila dahil akala nila ay multo. Ngunit agad na sumagot si Jesus, “Huwag kayong matakot, ako ito.” Ngunit sa mga nasa bangka na kasama ni Peter, siya lamang ang humiling nito kay Jesus, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, hayaan mong ako’y pumunta sa iyong kinaroroonan diyan sa ibabaw ng tubig.” Jesus did not call him to walk on water but something inside Peter moved him to voluntarily ask. Maybe motivated siya ng love to follow Him. Puwedeng gusto niyang lumalim pa ang tiwala nya kay Jesus sa imposibleng step na ito. Pero isa ang sigurado, nag-move lang si Peter matapos sabihin ni Jesus na, “Halika.”
Sa buhay natin, maraming mga oportunidad or doors ang magbubukas na akala natin ay signal na kumilos o umalis na tayo sa kinalalagyan. Peter asked but he did not move until Jesus told him, “Come.” Is it time for you to resign? Is it time for you to migrate? Is it time for you to purchase that house? Wait for Jesus to tell you, “Come.”
LET’S PRAY
Lord, Bigyan Ninyo ako ng sensitivity sa Inyong Holy Spirit to know when is the time for me to do things that I should do. Guide me and help me to trust You in the unknown. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Set a time and place to meet God. Play praise and worship songs as you read your Bible. Ask the Holy Spirit to speak to you.