21

SEPTEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jewel Tizon & Written by Maria Rita Ilya M. Magallona

Ito ang tugon ni Yahweh: Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito. Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama’t parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito. Ito ang mensahe: Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.’”

Habakuk 2:2-4

Nalamangan ka na ba? Masakit, di ba? Tapos parang wala kang magawa para itama ito. At mayabang pa ang nanlamang sa iyo kasi alam niyang hindi ka makakaganti. So anong gagawin natin? Bilang tunay na follower ni Christ, ang una nating gawin ay mag-pray dahil sabi ni Pedro, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo” (1 Pedro 5:7). Ipanalangin natin ang ating sitwasyon sa Kanya at magtiwala tayo sa Kanya dahil nangako Siyang, “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya” (Habakuk 2:3).

Bakit tayo maniniwala sa pangako ng Diyos? Dahil Siya ang ating “Diyos, banal at magpakailanman, tanggulan, at Batong matibay” (Habakuk 1:12). Hindi Niya forever hahayaang maghari ang kasamaan. Eventually, sisingilin Niya ang mga masasamang loob dahil sa kanilang mga pandaraya at pagmamalaki. Ngunit ang mga sumusunod at mga nananampalataya sa Kanya, kahit dinadaya at minamaliit sila ng iba, ay bibigyan Niya ng reward ayon sa pananampalataya nila. Sa katunayan, sinabi pa nga Niya, “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito” (Habakuk 2:3). Sa madaling sabi, matutupad ito dahil nakaukit ito sa bato.

May kilala ka bang nang-aapi o nang-mamaliit sa mga kapwa Cristiano? Ipanalangin natin sila para sila ay makakilala din sa Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, inilalapit ko sa Inyo ang mga taong nang-iisa o nangmamaliit. Alam kong nakita Ninyo ang kanilang ginawa sa Inyong follower. Panagutin Ninyo sila sa kanilang ginawa at itama ang lahat ng mali na naging bunga nito. Nagtitiwala po ako sa Inyo at sa Inyong katarungan at katuwiran. Dalangin ko rin na makakilala sila sa Inyo. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Tuwing may masamang nangyayari sa iyo, mag-pray agad. Maaari mong gayahin ang prayer ni Habakuk. O kahit maikling prayer tulad ng, “Lord, tulungan Ninyo ako!” Gawin ito hanggang maging automatic response mo na ang pagpe-pray.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 15 =