9

JANUARY 2023

Kahit Ipaligpit Ka ng Lola Mo

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Maria Rita Ilya M. Magallona

Welcome back to our series “Trusting God’s Plan and Timing”. In this last part of the series, alamin natin kung paanong kahit sa kalagitnaan ng masamang sitwasyon, mangingibabaw pa rin ang Panginoon.

Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, sinikap niyang patayin ang lahat ng kamag-anak ng hari. Ngunit si Joas na anak ni Ahazias ay naitakas ng tiya niyang si Jehoseba na anak ni Haring Jehoram at kapatid ni Ahazias. 

2 Mga Hari 11:1-2

What would you do kapag naging sobrang sama na ng mga tao sa paligid mo? Paano kung ‘yung mga nasa gobyerno mismo, na dapat nagpapatupad ng batas, ang maging lawbreaker because of greed? This was what happened to the Kingdom of Judah when King Ahaziah died. In the story na parang isang episode ng Game of Thrones, King Ahaziah’s mother, Athaliah, placed herself as the queen and killed all their relatives who could possibly become king. She did this para masigurong walang maghahabol sa kanyang trono. Pero isang anak, si Joash, ang nakaligtas dahil itinago siya ng kanyang tiya sa templo (vv. 1-2). In the seventh year of Athaliah’s reign, nag-coup d’etat ang priest na si Jehoiada together with the royal guard and they crowned Joash as the king. Pinapatay rin ni Jehoiada ang sakim na si Queen Athaliah at dinala ang batang hari nang bantay-sarado sa palasyo.

This story is proof that though there is corruption and violence in government, God’s plan will still prevail. Kahit walang awang pinapatay ni Athaliah ang relatives ng hari, nanaig pa rin ang promise ni Lord kay David that someone from his family will always be king of Israel (1 Kings 9:5). Ultimately, this promise was fulfilled in Jesus Christ. This story is also a reminder that if we can be an instrument to accomplish God’s will, tulad ng ginawa ni Jehoiada, let’s do it. Let’s continue to do good to our fellowmen, kahit malagay tayo sa alanganin. Magtiwala tayo na kapag kumampi tayo kay Lord, pumapanig tayo sa tama, at ang tama ang siyang mananaig eventually. At ayon sa will ni Lord, hindi ka mapapahamak, ipaligpit ka man ng lola mo.

These past three days, natutunan natin na God is the Master Planner who has good plans for us and He will cause them to come to pass – according to His perfect timing. Kahit hindi pa nangyayari ang inaasahan natin, patuloy pa rin tayong magtiwala sa Kanya. Thank you for tuning in to our four-day series about trusting God and His timing. Abangan bukas ang fresh new Word ni Lord para sa ‘yo!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, even though we see evil things happening around us, we believe that good will prevail. Give me the courage and the strength to do what’s right even though situations may not be favorable. At nawa ay makita ng marami na Kayo ang kumikilos sa buhay ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Ilista ang mga kasamaang nakikita mo sa paligid mo, maliit man o malaki. Sa tapat ng bawat item, ano ang kabutihang puwede mong gawin para labanan ang mga ito at mapabuti ang community mo?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 8 =