27

AUGUST 2021

Kapag May Nag-insulto sa Diyos Mo

by | 202108, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Maria Rita Ilya M. Magallona

Pakinggan po ninyo ako, Yahweh. Narinig ninyo ang pag-alipusta ni Senaquerib sa inyo, Diyos na buháy.

2 Mga Hari 19:16

Iba na ang panahon ngayon. Noong nakaraang century, kahit papaano, may takot sa Diyos ang mga tao. May kasamaan din, at ang iba ay karumal-dumal. Pero iba ngayon. Tila ba fashionable ngayon ang maging palaban sa Diyos, at harap-harapan Siyang iniinsulto. Ang mga believer ni Cristo ay nalalagay sa alanganin. Kailangan nating ipagtanggol ang ating paninindigan, pero kailangan din nating mahalin ang mga nang-iinsulto sa atin at sa Diyos. May mga napunta na sa extreme sides: either sa sobrang liberal na sinusuportahan ang mga issue na dati ay hindi katanggap-tanggap, o nasa sobrang conservative na hinahanapan ng mali ang lahat ng bagay. At nag-aaway sila. Anong gagawin natin?

Gayahin natin ang ginawa ni King Hezekiah. Sa harap ng pang-iinsulto ng Hari ng Assyria na si King Sennacherib, lumapit siya sa Diyos at nagsumbong, “Lord, rinig naman Ninyo ang mga sinasabi ni Sennacherib!” Inamin rin niya ang kalakasan ng kaaway, kaya’t hiniling niya, “Iligtas Ninyo kami para malaman ng buong mundo na Kayo lang ang tunay na Diyos!” Nag-pray si Hezekiah ayon sa pagkakakilala niya kay Lord: nag-iisang Diyos, ang gumawa ng lahat at Hari ng lahat, lalo na ng mga kaharian sa mundo, at Tagapagligtas. Hiniling niyang iligtas sila bilang tanda na Siya nga ang one and only God of the Universe. At ganoon nga ang ginawa ni Lord para sa kanila.

Kapag narinig nating may nang-iinsulto kay Lord, ipag-pray agad natin. Let us pray na i-guide tayo ni Lord kung paano sumagot at kumilos para makita nila at ng iba pang nasa paligid natin na si Lord ang nag-iisang buhay na Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, Kayo ang Makapangyarihang Diyos na naghahari sa lahat ng kaharian sa mundo. Kayo ang lumikha ng langit at lupa. Narinig ninyo ang pang-iinsulto ni ____________ sa inyo. Alam po namin na marami nang hindi naniniwala sa Inyo. Nagawa nilang ipaglaban ang mali bilang tama, at marami na ang sumusunod sa kanila. Kaya ngayon, ipakita po Ninyo sa amin kung ano ang dapat gawin para malaman ng buong daigdig na Kayo lamang ang kaisa-isang Diyos. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Mag-pray kagaya ng ating katatapos na prayer tuwing may naririnig kang nang-iinsulto sa Diyos at lantarang sumusuway sa Kanya. Balikan mo rin kung paano nag-respond si Jesus sa mga kumukontra sa Kanya—kailan Siya sumagot (at paano), at kailan Siya nanahimik. Sikapin mong sundan ang Kanyang ginawa.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =