9

NOVEMBER 2021

Share with family and friends
Narrated by Binoy Sadia & Written by Olga Vivero

Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

Awit 130:5

Because we are living in an era of instant foods and express lanes, naging mainipin tayo. Naiinis tayo sa mahabang pila. Traffic. Videos sa Internet that takes forever to load. Gusto natin ang lahat ay mangyari ng mabilisan. Kapag may problema, gusto natin ng immediate solution. Pero alam mo ba na masaya mang makuha ang mga bagay in just one click, mas satisfying pa rin ang feeling kapag nakukuha natin ang best  result sa pamamagitan ng matiyagang paghihintay?

Sabi ng sumulat ng Mga Awit 130:5, “Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong.” Imbes na mainip, be excited when God is making you wait for something. Kapag hindi mo pa natatanggap ang sagot sa panalangin mo—iyan man ay tungkol sa trabaho, healing, o relationship—wait lang.

During the waiting season of unanswered prayers, God is molding our character.  As we wait, lalong lalalim ang pagkakakilala natin kay Lord. It’s good to remember during these times that He is a good Father, and He does not withhold good gifts from those who walk uprightly (Psalm 84:11). He is a promise-keeping God.

Hayaan mong turuan ka ni Lord ng humility at trust habang naghihintay. Learn to wait patiently at maging excited dahil alam mong God will never disappoint those who wait upon Him.

Also, practice the attitude of waiting actively by continuously putting your faith in Jesus and seeking the Father’s will. Keep praying with expectation. Kapit lang and know that while you are waiting, God is already working para matupad ang promises Niya.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, turuan Ninyo ako to wait patiently and excitedly sa pagtupad Ninyo ng Inyong promises. Teach my heart to trust You and rest in the knowledge that You will not withhold any good thing from me. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Maghanap sa Bible ng 3 to 5 promises ni Lord tungkol sa iyong current situation. Hintayin mong matupad ito. Pray that God would open your eyes para makita mo ang katuparan ng mga ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 12 =