28

AUGUST 2023

Kasaysayan at Kabayanihan

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Alma S. de Guzman

Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Juan 15:13

Naalala mo pa ba ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bayan? Ang ating kasaysayan ay puno ng makukulay na kuwento ng iba’t ibang kabayanihan. Bukod sa mga bayaning napag-aralan sa mga history class, may mga bayani din na hindi kasing-sikat tulad ng iba, gayunpaman lahat sila ay mga bayani na lumaban para sa Pilipinas.

Kahanga-hanga ang mga ginawa nila. Ang pagsasakripisyo nila ng buhay ay talaga namang hindi matatawaran. Noon pa man itinuro na ng kasaysayan natin kung paano marapat mahalin ang ating bayan at kapwa; ang kabayanihan nila ay patunay na walang pag-ibig ang hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong handang mag-alay ng buhay para sa ikabubuti ng iba.

Pero gaano man kahanga-hanga ang kanilang ginawa, wala nang mas hihigit pa sa kabayanihang ginawa ni Jesus. Dahil sa udyok ng pag-ibig, namatay si Jesus sa krus para iligtas tayo at palayain sa kapangyarihan ng kasalanan. Siya ang pinakadakilang bayaning nag-alay ng Kanyang buhay para sa atin. Today, we can draw inspiration and love from Jesus.

Jesus was moved by His love for us when He carried out all His heroic deeds. He served his disciples with humility. He modeled generosity, kindness, and sacrifice. He endured sufferings for our sake and fought our common enemy, Satan. God gave us a model of heroism in the person of Jesus Christ.

Parang ang hirap maging modern-day hero, pero kung isasapuso natin that Jesus loved us first, and He has given us that ability to love others too, maaari din tayong makagawa ng kabayanihan para sa iba. Sanayin natin ang ating mga sarili sa paggawa ng maliliit man o malalaking anyo ng kabayanihan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, Im grateful for Your love, and for the heroes Youve raised to bless our country. Thank You for empowering me with Your love and grace to serve our nation. In Jesus name, Amen.

APPLICATION

Pray for the Philippines and seek opportunities to be of service to our country. Visit operationblessing.ph to discover ways on how you can help.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 9 =