8

SEPTEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Jeaneth DP Panti

Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Isaias 41:10

Nakatakbo ka na ba sa isang marathon? O nakapanood ka na ba nito? Hiyawan ang mga tao samantalang adrenaline at pure excitement siguro ang nararamdaman ng runners na buong lakas ang puhunan.

Tulad ng isang runner, nagpapamalas ka ng strength sa iyong sariling takbo. Kumbaga, kung isang marathon ang buhay, lahat na yata ng obstacles ay nalampasan mo na. Marami ka nang pinagtiisan, malayo na ang narating mo. Pero baka nanghihina ka ngayon. Siguro iniisip mo na malayo pa ang finish line. Baka nakakaramdam ka na ng pagod, ng restlessness ¼ o ng lungkot?

Hindi mo kailangang mahiya. Huwag kang matakot umamin. Kung nakakaranas ka ngayon ng matinding pagod o kalungkutan dahil sa tindi ng tinatakbo mo sa buhay, know this: valid ang makaramdam ng ganyang emotions dahil at the end of the day, ikaw ay tao. Humihinga, tumatawa, umiiyak. Minsan, nakakaranas ng pagsubok, nadadapa, at dumadaan sa pagbabago. Normal ang lahat ng ito.

Pero may isang katotohanan na dapat mong higit na tandaan: never kang iiwan ng Diyos. Sabi ng Isaias 41:10, “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.” Kailanman ay hindi nagbabago ang Kanyang mga pangako. Sa kabila ng pagod, may panghahawakan kang promise ni Lord na kalakasan. Si Jesus ang ultimate strength mo.

Idulog mo lahat sa Kanya. Iiyak mo ngayon, pero bukas, babangon at tatakbo ka muli kasama Siya. Keep going, keep running as you rest in His Word na ngayong nakipag-isa ka na kay Jesus, He will strengthen you, help you, and give you joy to finish the race.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, alam Ninyo ang nararamdaman kong lungkot, pagod, at anxiety. Iparanas Ninyo sa akin ang kapahingahan na Kayo lang ang makakapagbigay. Tinatanggap ko mula sa Inyo ang strength, comfort, and all the help that I need. Thank You for making me strong today, and for the rest of my days. Amen!

APPLICATION

I-memorize ang Isaias 41:10. Recite this and believe that God is strengthening and helping you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 3 =