27

DECEMBER 2023

Legit na Happy Ending

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by PMVClapano

Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao’y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.

Mangangaral 3:11

Nakapanood ka na ba ng movies na open-ended ang dulo? ‘Yung tipong bahala ka nang mag-isip kung nabuhay ba ang bida or nagkatuluyan ba ang couple sa ending ng film? In reality, hindi natutuwa ang lahat ng viewers ng mga ganitong klaseng plot ng movie. Bakit kaya? Kasi bilang mga tao, ayaw natin ng bitin. Gusto nating malaman ang ending ng story. We want answers.

Normal sa atin na mapa-isip: Is there more to life than this? Whether we are so depressed about our lives or so fulfilled about our successes, we’ll come to a point na maitatanong natin sa sarili natin kung ano ang susunod na chapter or kung ano ang ending ng life natin. It’s natural for us to think that way dahil si God mismo ang nagbigay sa atin ng desire to know what lies ahead (Ecclesiastes 3:11). Pero kagaya ng sinabi sa Bible, hindi tayo binigyan ni God ng understanding to find out what He has done from the beginning to the end. Why?

Because God wants us to trust His sovereignty. He wants us to rely on Him for wisdom in making life decisions. Gusto Niyang magtiwala tayo na ang future natin ay secured kung mananampalataya tayo sa tunay at nag-iisang Diyos (Isaiah 44:6). Alam Niya ang Kanyang ginagawa because He created all things (Colossians 1:16).

God also wants us to eagerly expect Jesus’ return (Hebrews 9:28). We are longing for something even better than our situation. Our souls are longing for Jesus’ presence. ‘Yung pagbabalik Niya that signifies the end of suffering and tragedies here on earth. ‘Yung longing na makakasama na natin Siya sa place kung saan walang sakit, kalungkutan, at kamatayan (Revelation 21:4).

Huwag tayo ma-badtrip kung hindi natin alam ang mangyayari sa future natin kasi kung magtitiwala tayo sa Panginoon, legit ang happy ending sa Kanyang piling.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You sa pangako Mo na mula Kang babalik para sa mga umaasa at nagtitiwala sa Iyo. Despite the sufferings and challenges na nararanasan ko ngayon, tulungan Mo po ako na maging excited sa pagbabalik Mo. I love you, Lord.

APPLICATION

Pinanghihinaan ka na ba ng loob dahil sa mga problema? Feeling uncertain of your future? Natatakot sa hinaharap? Subukan mong basahin ang sinasabi ni Lord sa Jeremiah 29:11. You can also find a prayer partner by calling 8-737-0-700 or texting 0919-060-7567. CBN Asia Prayer Center is here 24/7 for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 12 =