13

AUGUST 2023

Nakaka-Relate Siya

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Honeylet Adajar-Velves

Welcome back sa ating series na “Pagharap sa Problema.” Nakita natin kahapon na kapag may problema, sa Diyos na tayo kaagad dapat lumapit. Bakit? Nakaka-relate kasi Siya.

Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang katulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo’y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.

Mga Taga-Filipos 2:7–8

Kapag nagbibigay tayo ng advice sa mga taong brokenhearted, or nahihirapang mag-cope sa isang bagay, naririnig natin ang mga sagot na gaya ng “Hindi mo kasi ako naiintindihan.” Or “Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko kasi di mo naman pinagdaanan ito.” Bilang tao, may tendency tayong hindi maniwala sa nagsasalita kapag hindi nila na-experience ang mga struggle na mayroon tayo.

May isang tao sa Bible ang nag-best effort para maka-relate sa atin. Siya si Jesus na Anak ng Diyos. Kung iisipin, Diyos na Siya pero sinunod Niya ang kalooban ng Kanyang Diyos Ama na bumaba dito sa mundo para magkatawang-tao at iligtas tayo.

With all His great power, He could have easily saved us in just a snap of His fingers while He is in heaven. Pero bakit nga ba nagpakahirap pa Siya bilang tao? Lahat ng sufferings, panunukso, gutom, pangungutya, and pain na maaaring dinadaanan natin ngayon, ay dinaanan din Niya. Kahit pa nga siguro pagsama-samahin natin ang lahat ng trials natin, hindi papantay sa mga naranasan ni Jesus dito sa earth. Naranasan din Niyang matukso, bagama’t hindi Siya nagkasala; kaya matutulungan Niya tayo kapag tayo’y tinutukso (Mga Hebreo 2:18). And since He experienced everything in the flesh, know that when we cry to Him about our problems, He understands that it’s not easy. Dahil din dito, we can be reminded na tanggapin ang Kanyang mga advice whole-heartedly kasi na-experience Niya ang pain na naranasan natin. Higit sa lahat, alalahanin natin na ang pagkakatawang-tao ni Jesus ay patunay na nais ng Diyos na ilapit sa Kanya ang sanlibutang lumayo sa Kanya.

Thank you for joining us today. Samahan ninyo kami uli bukas sa ating series na “Pagharap sa Problema.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, grabe ang pagmamahal Ninyo sa amin na nag-effort Kayo talaga para maka-relate sa amin by being human! Salamat po sa pagligtas Ninyo sa akin. I pray that I will always be reminded na lagi Ninyo akong naiintindihan, and because of that, I can always count on You.

APPLICATION

Share this devotional to your social media pages. Who knows, maaari kang maka-encourage ng taong nag-iisip na walang nakakaintindi sa kanya. Let’s spread the truth na naging taong kagaya natin si Jesus kaya nauunawaan Niya tayo, pero nananatili Siyang Diyos para mailigtas tayo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 12 =