21
JANUARY 2024
Lord, Bakit?
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Mga Taga-Roma 8:28
“Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi ako gumagaling? Bakit ako naghihirap ngayon?”
Have you found yourself asking God these questions at any point in your life?
When faced with difficult and heartbreaking situations, madalas nating nasasabi ang “Lord, bakit?” Naghahanap tayo ng mga dahilan sa mga bagay na hindi natin maintindihan.
If we can‘t control how things are happening, perhaps knowing the reason why would lessen the pain. Pero, knowing the reason doesn‘t guarantee being healed from the pain or being spared from the heartbreak.
Sa mga ganitong sitwasyon, we can draw strength and comfort from Jesus who understands us when we question Him. When He was at the Cross, tinanong Niya rin ang Diyos in a loud cry ng, “My God, My God, why have You forsaken Me?” And we know the answer to that.
Ang sacrifice ni Jesus sa krus ang naging daan para maligtas tayo. Ito ang perfect plan of salvation ni Lord dahil mahal Niya tayo.
So the next time we find ourselves asking why seemingly bad things happen, may we remember God’s love and why He allows these to happen — for our good. Ang sabi sa Mga Taga-Roma 8:28, “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya, silang mga tinawag ayon sa Kanyang layunin.”
In His mercy and sovereignty, ina-allow ng Diyos na mangyari ang maraming bagay — mabuti man o hindi — para sa atin. He is in control, and we can trust Him.
LET’S PRAY
Lord, salamat dahil alam Mo ang mangyayari sa future ko. I am comforted dahil alam kong naiintindihan Mo ako. I trust that whatever happens, You are in control.
APPLICATION
Spend this day thinking about how seemingly bad things in the past turned out to be God’s way of helping you. Isulat ang mga ito at magpasalamat sa Diyos. Ask Him how you can continue to trust Him when challenging things happen again.