27

FEBRUARY 2024

Lord of the Lions

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Do’n sa mga burol, ako’y napatingin — sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Awit 121:1–2

May kuwento sa Bible tungkol sa isang government official na hindi sumunod sa isang patakarang di-makadiyos at pinahulog siya sa kulungan ng mga leon bilang parusa. Subali’t dahil tapat ang Diyos, pinaamo Niya ang mga leon at hindi napahamak ang opisyal na nagngangalang Daniel (mababasa natin ang buong kuwento sa Daniel 6).

Marami na ang sumubok na gumuhit sa eksenang ito kung saan kasama ni Daniel ang mga leon. Kapansin-pansin ang artwork ni Briton Rivière, isang British artist na kilalang animal painter. Ginuhit niyang nakatalikod si Daniel sa mga leon at nakatingala siya sa bintana. Ang sinag ng araw mula sa labas ay umabot sa kanyang mukha.

Ito ang larawan na minsang nagbigay-tapang sa yumaong preacher na si Charles Stanley. May season sa buhay niya na siya ay inusig at siniraan ng sarili niyang mga ka-church. Matinding pagsubok ito sa kanya sapagkat ang mga akala niyang mga kapuso niya, at kapwa niyang lingkod, ay hindi pala. Pinuntahan siya ng isang kaibigan bitbit ang larawan ni Rivière at tinanong, “Ano ang nakikita mo?” Sumagot si Charles ngunit hindi nakuntento ang kaibigan sa kanyang sagot, kaya sinabi na niya kay Charles, “Hindi nakatingin si Daniel sa mga leon.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Charles. Na-realize niya na ito ang guidance ni Lord sa kanya sa oras na ‘yun. Na huwag siyang mag-focus sa mga katunggali niya. Na kay Lord lang siya tumakbo, tumingin, at umasa. Sa kalaunan, na-vindicate din si Charles Stanley at na-witness ng marami ang magandang plano ng Diyos para sa kanya at sa ministry niya.

May hinaharap ka bang matinding pagsubok? Pinaliligiran ka ba ng kaaway? Napagbibintangan ka ba o inuusig? Tularan natin si Daniel. Talikuran natin ang mababangis na leon at humarap tayo sa Ilaw ng sanlibutan at sa Lord of the lions, si Jesus, na ating Tagapagligtas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Panginoon, Kayo ang aming Ilaw at Kaligtasan. Huwag po Ninyong hayaang ma-distract ako. Palitan po Ninyo ang fears ko ng faith na taglay ko ang wisdom at tapang Ninyo sa mga oras na ito. Amen.

APPLICATION

Subukan mong i-Google ang artwork ni Briton Rivière na ang pangalan ay Daniel’s Answer to the King. Habang tinitingnan ang artwork, bigkasin ang Awit 121:1–2.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 7 =